Saturday, September 8, 2012

Shooting Star Episode 6



“Pauwi ka na?” sabi ni Argel sa akin.

“Yep!” sagot ko lang sa kanya.

“Tara isang laro lang!” paanyaya sa akin ng isa sa mga kasama ni Argel.

“No thanks! Aalis na talaga ako eh! May importante akong lakad!” sabi ko lang sa kanila at di na ako nito kinulit.

“Sandali lang ah!” sabi ni Argel at bumalik ulit sa court.

Nagtinginan sa akin ang tatlo at hinila ako, napasandal naman ako sa may bench at kinausap nila ako.

“Okay Ken! You need to explain what the hell happen!” sabi ni Cheryl at nakita kong naghihintay sila ng aking sagot.

“Kasi ganito yun...” sabi ko at biglang pinutol ni Abby.

“Wala nang paligoy ligoy pa! Straight to the point! Parang di mo kami friend nyan?!” sabi ni Abby at huminga ako ng malalim at nagkwento na ako.

“Sinama ako ni Ace sa isang lugar, biglang nagkaroon ng problema sa kanila at bumalik na lang ako sa campus, tapos nung nasa cafeteria ako para bumili ng makakain ay nakita ako ni Argel, naghahanap kasi ako ng mauupuan kaso wala nang bakante kaya sinabihan nya ako na sumunod sa kanya may alam daw syang lugar na wala pang nakakaupo, at pumunta nga kami sa rooftop dun kami nag lunch ni Argel tapos sinabi nya na gusto nya akong maging kaibigan so ayun! Pumayag naman ako sa sinabi nya!” litanya ko sa kanila at nagkalasan silang tatlo nang nakita nilang papalapit na ulit si Argel sa pwesto namin.

“Oh heto!” sabi nya at hinagis ang jacket na gamit ng mga varsity players dun.

“Para saan to?” sabi ko sa kanya habang hawak ko ang jacket na yun.

“Ipang lampaso mo kapatid! Maganda yang gawing mop!” biro ni Cheryl sa akin at natawa si Argel sa sinabi ni Cheryl.

Napatingin ako kay Cheryl at nakita ko na nahihiwagaan din sya kay Argel.

“Obviously, remembrance dahil tinalo mo sya!” sabi ni Abby sa akin at napatingin ako kay Argel.

Nakita kong napayuko sya at namumula ang tenga, kaya natawa ako dito at hinampas sya sa balikat.

“You don’t have to! Magkakaroon din ako nyan!” sabi ko sa kanya at binalik ko yung jacket nya.

Napatingin sya sa akin at sa mga kasama ko, kaya kinuha nya yung jacket at nilagay sa kanyang balikat.

“Di mo ba alam na si Ken ay sasali sa—“ pagsasabi ni Abby na biglang tinakpan naman ni Luke ang bibig ni Abby.

“Hehehe! Pagpasensyahan nyo na si Abby! Spoiled brat kasi eh! Marami nang nalalaman na secrets kaya kailangan nang patahimikin!” biro ni Luke at natawa naman kami sa ginawa nilang dalawa.

“It’s okay! So kita kits sa Monday ah!” sabi ni Argel sa akin at tumango lang ako sa kanya, bumalik na sya sa team nya at nag practice ulit.

Habang kaming apat ay nagbibiruan papalabas ng campus, pinagtripan ni Luke si Abby dahil muntik nang malaman ni Argel na mag aapply ako as a varsity player.

“Ang bibig mo talaga Abby kailangan nang lagyan ng humps!” biro ni Luke sa kanya.

“Ay! humps talaga?! Di ba pwedeng break na lang para maliit?!” sabi ni Abby at nagtawanan kaming lahat.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang Sundo ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.

“Ken sa Monday na lang ah!” sabi ni Abby sa akin.

“Gaga! Diba friend mo sya sa facebook! Chat chat na lang after ng brainstorming nyo ni Ace!” sabi ni Cheryl sa akin.

“Ingat bro sa pag uwi ah!” sabi ni Luke at nagpaalam na ako sa kanilang tatlo.

Nang makapasok ako sa sasakyan ay nabigla ako na si Dad pala ang sumundo sa akin.

“Pinasabi ko kay kuya Ray na siya na ang magsusundo sa akin eh!” sabi ko sa dad ko habang inaayos ang seatbelt.

“May pinasundo lang ako sa kanya kaya ako na ang nagsundo sayo! At dadaanan pa natin ang kuya Kino mo sa work nya!” sabi ni dad sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

Nang makalabas na kami ng campus ay agad kong sinalpak ang cd sa player ni dad kaso pinigilan ako nito.

“Wag ka nang mag play ng music dito sa player okay?!” sabi nya sa akin na ikinalungkot ko.

“Check mo yung nasa likod na gamit may kulay blue dyan na nakabalot paki kuha nga.” Sabi ni dad sa akin at sinunod ko ang utos ni dad kahit malungkot ako kasi yun na lang ang libangan ko kapag pauwi na kami ng bahay.

Nakita ko yung bag nya at nakita ko din na may dalawang nakabalot isang pula at isang blue kaya kinuha ko yung blue na sabi ni dad.

Binigay ko ito sa kanya pero tinignan lang nya yun.

“Try to open that!” sabi nya sa akin.

At nang sinira ko ang nakabalot ay nanlaki ang mga mata ko!

“Thanks Dad!” sabay yakap sa kanya.

“Nagustuhan mo ba?” sabi nito sa akin.

“Yup! Gustong gusto!” sabi ko sa kanya.

Ang matagal ko nang wish na mabili, ay niregalo sa akin ni dad! Isang I-pod touch 4th Gen series! Pero nagtaka ako, bakit nga pala nya ako bibigyan nito, eh di ko pa naman birthday?!

“Dad bakit meron pala ako nito?” sabi ko sa kanya at tinignan nya lang ako at ngumiti.

“Makikita mo mamaya kung bakit!” sabi ni dad at sumandal na ako sa upuan at kinalikot ang bago kong Ipod.

Habang nasa byahe ay nag ring ang phone ni dad kaya ako na ang sumagot dito.

“Hello?” sabi ko.

“Sir Ken!” sabi ni Kuya Ray.

“Bakit po kuya Ray?” tanong ko sa kanya.

“Pwede bang kausapin ko si Sir Jino?” sabi nito at nilagay ko sa tenga ni Dad ang phone nya.

“Oh Ray bakit ka napatawag?” sabi ni dad.

“Yung blue at red na lang ang kunin mo at yung dalawa kailangan isama mo sila okay! Sabihin mo dun sa kanya na okay na ang lahat!” sabi ni dad na nagtataka naman ako kung ano yung pinag uusapan nila ni kuya Ray.

“O sige! Susunduin ko lang si Kino tapos direcho na kami sa bahay!” sabi lang ni dad at pinababa na nya sa akin ang phone.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko na mapigilang magtanong kay dad.

“Dad, ano yung pinag usapan nyo ni kuya Ray?” sabi ko sa kanya, ngumiti lang ito at ginulo ang aking buhok.

“Basta malalaman mo na lang kapag nasa bahay na tayo!” sabi lang nya sa akin at lumiko na kami sa may kanto ng building kung saan nagtatrabaho si kuya Kino.

Agad namang naghanap ng paparadahan si dad at nang makahanap kami ay agad nyang pinasok ang sasakyan dun, bumaba kami at pumasok sa lobby ng company.

“Good afternoon sir!” sabi ng attendant kay dad.

“Is Kino Yoshihara there? Please tell him we’re waiting here.” Sabi ni dad at tumawag na ang attendant sa office nila kuya Kino.

“Sir pababa na po sya, please wait at the lounge area po!” sabi ng attendant sa amin at pumunta na kami sa lounge.

Pagkaupo pa lang namin ay nilapitan kami ng isa sa mga nagtatrabaho dun para alukin ng maiinom kaya kumuha ako ng orange juice at si dad naman ay coffee, habang hinihintay namin si kuya Kino ay nakita ko si dad na maaliwalas ang kanyang mukha, parang may mangyayari mamaya ah!

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong naka alarm pala ito sa birthday ni Jiro! Kaya agad kong hiniram ang phone ni dad para kunin ang cell number ng lola nya.

“Hello?” sagot nito nang maka connect na ako.

“Lola si Ken po ito! Si Jiro po?” sabi ko sa kanya at agad naman binigay kay Jiro ang phone.

“Hello?!” sabi ni Jiro.

“Huy! Jiro Otanjobi Omendeto!” sabi ko sa kanya.

“Ano?” sagot nya sa akin at natawa naman ako.

“Sabi ko Happy birthday to you!” sabi ko sa kanya at tumawa ito sa akin.

“Akala ko na kung ano! Wag ka ngang magsasalita ng ibang language! Wala naman akong alam dun eh!” sabi nito sa akin at natawa ako sa sinabi nya.

“Oh sige sana matupad na ang wish mo!” sabi ko sa kanya.

“I hope so! Nasan ka ba ngayon?” sabi nito sa akin.

“Nasa office ni kuya! susunduin namin sya ni dad eh!” sabi ko lang sa kanya at tumawa ito.

Nakita ko na papunta na sa amin si kuya Kino kaya nagpaalam na ako kay Jiro, at nang makalapit na sa amin ni dad si kuya ay tinititigan nya ako.

“Welcome pala sa company na pinapasukan ko!” biro nito sa akin at natawa ako sa ginawa nya.

Lumapit si kuya sa akin at kinuha ang juice ko at inubos ito.

“Ang sarap talaga ng juice!” sabi nito sa akin at nagalit ako sa kanya.

“Dad, si kuya inubos yung juice ko!” sumbong ko at natawa lang si dad sa inaasta ko.

“Hayaan mo! Pagbalik mo dito papainumin kita ng isang galon!” biro sa akin ni kuya at ginulo nanaman ang buhok ko.

“Dad! Tara na!” sabi ni kuya at sabay na kaming tumayo.

Lumabas kami sa company na pinapasukan ni kuya at pumunta sa sasakyan na nakapark sa may kanto ng kanilang company, sumakay ako sa likuran at si kuya naman ay sa harapan kasama si dad, napansin nyang may Ipod touch ako kaya tinignan nya ako.

“Naks! May bagong Ipod si bro ah!” biro nya sa akin at hindi ko sya pinansin.

Habang nasa daan ay lagi akong kinukulit ni kuya, kaya hindi ko na maifocus ang sarili ko sa bagong Ipod na bili ni dad sa akin, naging mabilis ang byahe dahil maaga kaming nakauwi sa bahay, nakita ko na din na andyan na ang isang sasakyan kaya sinara na ang gate.

Nang papalabas na kami ni kuya ay nagsalita si dad.

“Ken magbihis ka na! si kuya Kino mo at ako ay may bubuhatin lang sa compartment at ilalagay yun sa dining area.” Sabi ni dad sa akin kaya sinunod ko ang utos nya at agad akong nagtatatakbo papasok ng bahay.

Nang makapasok na ako sa bahay ay agad kong napansin ang magaan na pakiramdam, nakita ko si Nay Elsa.

“Nay magandang hapon!” bati ko sa kanya.

“Aba! Dumating na pala ang makulit kong alaga! Umakyat ka na at magbihis! May bisita kayong dadalaw ngayon!” sabi nito at sinuklian ko ito ng ngiti at umakyat na sa aking room.

Habang nagbibihis ako ay narinig ko ang aking phone, isang text message at agad kong binasa ito.

“Kenpot! Bakit hindi ka nagpakita nung lunch? Tampo na ako sayo!” sabi ni Lexie sa akin.

“Lexie sorry! May ginawa lang ako, tinapos ko lang yung homework ko eh! Sorry talaga! Promise babawi ako sayo!” reply ko agad sa kanya at bigla syang tumawag.

“Talaga?!” sabi ni Lexie.

“Yup!” sagot ko lang.

“Can you do me a favor?” sabi lang nya sa akin.

“Ano yun?” sabi ko habang papunta ako ng closet.

Hindi nagsalita ng ilang minuto si Lexie at nagtaka ako.

“Hey! Lex ano nga yun?!” sabi ko sa kanya.

“Kasi...” nahihiyang sabi nya.

“Ano nga yun?!” sabi ko na medyo naiinis.

“Diba magbestfriend naman tayo?” sabi nya sa akin.

“Oh? Ano ba gusto mo?” sabi ko sa kanya.

“Kasi I have something to tell you...” sabi nya sa akin.

“What?” sabi ko sa kanya na medyo tumaas ang boses ko.

“Kasi I have a crush on Argel eh! Sana naman matulungan mo ako!” sabi nya sa akin.

“Yun lang pala eh! Pinahaba mo pa!” biro ko sa kanya.

“Kasi nahihiya ako sayo eh! Kaya mo ba yun?” sabi nya sa akin.

“Oo naman! Sige na! I need to change my clothes! May bisita kasi kami ngayon eh!” sabi ko lang para matigil na ang aking kaibigan.

Nang makakuha ng damit, ay agad akong pumasok sa CR para magshower sandali.

Binuksan ko ang Ipod ko at nagpatugtog dahil gusto kong malimutan ang sinabi ni Lexie sa akin kanina.

[Bruno Mars: Runaway]

Nararamdaman ko ang lamig ng bawat patak na nanggagaling sa shower, bawat patak ay sumasabay ang pagsabog ng aking nararamdaman kay Lexie, akala ko okay na! Pero hanggang kaibigan lang pala kami! Nag assume ako na may mahahantungan ang pagkakaibigan namin, yun pala ay tinuldukan nya dahil si Argel ang mahal nya.

[Zia Quizon: Ako na lang]

Nang matapos ko ang aking paliligo ay agad na akong nagpatuyo at nagbihis, habang inaayos ko ang aking buhok ay biglang nag ring ang phone ko, inaakala ko si Lexie ulit yun para mangulit.

“Lexie! Sinabi ko na nga sayong gagawin ko yun! Wag nang makulit okay!” sabi ko nang sagutin ko ang phone.

“Whoa! Ang init ng ulo ah!” sabi ni Ace sa akin.

Nabigla naman ako at nawala sa aking sarili.

“Oh Ace...Na...Napatawag ka?!” sabi ko na para bang nakakita ng multo.

“Haha! Mangangamusta lang! Pasensya ka na kanina ah! Hindi ko tuloy nasabi ang gusto kong sasabihin eh! Dumating kasi sila Mama at Papa, bukas ah! Tuloy tayo dito sa bahay!” sabi nya sa akin.

“Ah! Nice... Sige... Tuloy tayo bukas!” sabi ko lang sa kanya at tinuloy ko ang pag aayos ng aking buhok.

“Parang may problema ka?” sabi nya sa akin at napahinto ulit ako.

“Okay lang ako! Haha!” sabi ko lang sa kanya.

“Okay sabi mo eh! Sige I have to go! May pupuntahan pa kami eh!” sabi nya sa akin at binaba ko na ang phone.

Nang matapos ko nang ayusin ang aking buhok ay lumabas muna ako sa CR at umupo sa may sala sa loob ng aking room, halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa araw na yun, dahil na din kay Lexie na hindi ko nasabi ang aking nararamdaman, habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni muni ay pumasok si kuya Kino sa aking room at lumapit sa akin.

“Ayos ka lang ba?” sabi nya sa akin at tinignan ko sya.

Tumango lang ako para sabihing ayos lang ang lahat, at ginulo nanaman nya ang aking buhok na kakatapos ko lang ayusin.

“Tara na! Bumaba ka na sa dining room! May surprise kami sayo!” sabi nya sa akin at hinila nya ako sa may braso.

At nang papalabas ako ng room ay narinig kong may nag uusap sa baba, kaya nagmadali ako dahil pamilyar ang mga boses na narinig ko.

“Gino, hindi naman sya nagalit, nalilito pa lang sya kaya hayaan na lang muna natin sya” narinig ko ang boses ni Mommy.

“Paula, paano ako babawi sa kanya? Kinakabahan ako eh, baka kasi manibago ang bata dito” sabi ni Daddy na napansin nya akong pababa na sa hagdan.

“Dad...Mom... ano yung pinag uusapan nyo?” sabi ko sa kanila at tumingin sila sa isa’t isa.

“Malalaman mo na lang mamaya okay!” sabi ni Mommy at ngumiti ito sa akin.

“Tara na nga! Ang kupad mong maglakad!” sabi sa akin ni kuya at humawak sya sa aking balikat at tinulak nya ako para pumunta sa dining room.

Pagkapasok ko sa dining room ay nakita kong naka ayos ito, may mga bulaklak sa lamesa, ang vase na malapit sa lanai ay may magandang ayos din ng bulaklak.

“Nay Elsa! Anong meron po?” sabi ko sa kanya na may halong pagtataka.

Lumapit sya sa akin at binulungan ako.

“Pasensya ka na, di ako pwedeng magsalita eh!” sabi nya sa akin at napakunot ang aking noo.

At nang makapunta na ang lahat sa lamesa ay umupo na kami, napansin kong may dalawang upuan na nilagay at wala pang naka upo.

“Ken, paano kung sabihin namin sayo na yung bisita natin ay may wish na makita ka?” sabi ni kuya sa akin habang kumukuha ng pagkain sa lamesa.

“Ako?... Gustong makita?!...” sabi ko kay kuya at tumawa ito.

Nakita ko sila Mommy at Daddy na nakangiti, at biglang pumasok si Nay Elsa sa aming pag uusap.

“Gino, okay na sila!” sabi lang nya kay Daddy.

“Sige po manang Elsa! Papasukin nyo na po sila!” sabi ni Daddy at umalis na si Nay Elsa.

Habang nakain kami ay nakikinig lang ako sa mga kinukwento ni kuya, minsan napapangiti lang ako sa mga sinasabi nya at minsan din hindi, nang mga oras na yun ay bumalik ulit si Nay Elsa at dala na nya ang mga bisita.

“Ken papasukin mo na nga yung mga bisita” utos sa akin ni Mommy at tumayo ako at pinuntahan sila sa may sala.

“Tara na po! Kain na daw po kayo sabi ni Mommy” sabi ko sa isang babaeng nakatalikod na may kasamang binatang lalake.

Humarap sila sa akin at laking gulat ko, dapat ako ang gagawa ng surprise party, pero ako pa pala ang nagulat sa aking nakita.

“Kayo!” sabi ko na lang sa kanila at ngumiti sa akin si lola.

“Kuya!!!!” sabi sa akin ni Jiro at niyakap nya ako.

“Kuya?!! Bakit?!!” sabi ko sa aking sarili.

Itutuloy...


Note: on the next EP you will see Kino, Ken and Jiro's Face... (^^.)
- Author 

Wednesday, September 5, 2012

Shooting Star [5]



“Oh God!” sabi ko na lang habang nakasakay sa sasakyan ni Ace.

Tinignan ako ni Ace at nagtataka ako kung anong meron sa araw na ito.

Habang nasa byahe ay napansin kong iba na ang dinadaanan namin.

“Okay Ace! You’re creeping me out! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” sabi ko sa kanya at tumingin lang ito sa akin.

Wala na akong magawa kungdi sumunod na lang kay Ace, at nang napansin kong bumagal ang andar ng sasakyan ay agad kong tinignan si Ace.

“Just wait okay!” sabi nya sa akin na medyo naiinis.

“Okay!” sabi ko sa kanya at sinandal ko na lang ang sarili ko sa upuan.

“We’re here!” sabi nya sa akin at bumaba sya ng sasakyan, nakita kong pinagbuksan nya ako ng pintuan at lumabas na ako sa sasakyan nya.

Nabighani ako sa aking nakita! Isang lugar na puro puno at ang sarap ng hangin! Sa isang banda ay may burol dun at pumunta ako.

“Ace! Ang ganda dito!” sabi ko sa kanya at nalimutan ko na ang dapat itatanong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Ace at napansin kong binuksan nya ang likuran ng kanyang sasakyan, kinuha nya ang isang backpack at sinara nya ito.

“Sorry! Kung natakot ka! Hehe!” sabi nya sa akin habang nilalakad namin ang kulay luntian na lugar.

“Tinakot mo ako ng sobra alam mo ba yun?! Akala ko naman ay pagtitripan mo ako, kasi natalo nanaman ang kapatid mo!” sabi ko sa kanya at napakamot ng ulo si Ace.

“Wala yun! And hindi naman issue kay Argel yun eh!” sabi nito at binaba ang backpack na dala nya.

Naupo kami sa isang burol, sa ilalim ng anino ng puno na kung saan ang hangin ay hinahaplos ka at napapangiti dahil ang sarap sa pakiramdam nito.

“Do you like it?” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Yes! Absolutely!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito.

Napansin ko syang pinagmamasdan ang lawak ng lugar, natatanaw ko ang lawa at naririnig ko ang mga ibon na kumakanta, ang sarap sa pakiramdam at napansin ko nanaman na binuksan nya ang backpack at nilabas ang pagkain na dala nya.

“I just remembered, ano pala ang sasabihin mo sa akin?” sabi ko sa kanya at bigla syang napahinto at tumingin sa akin.

“Eh... kasi... nahihiya akong sabihin sayo eh!” sabi nya sa akin at nahalata kong namumula ang kanyang tenga.

“Alam mo, nung tumawag ka sa number ko kagabi ganun din ang naririnig ko! Ano bang sasabihin mo?” sabi ko sa kanya at tinititigan ko sya ng seryoso.

“Kasi... I want to tell you na...” sabi nito at naputol ang aming pag uusap nang biglang nag ring ang phone nya.

“Hello?” sabi nito at nakita ko sa mukha nyang nagulat sya sa kanyang narinig.

“Hindi pwede yun! Teka saan ba kayo? Puntahan ko kayo!” sabi nito at agad nang inayos ang mga pagkain at gamit.

“Tara na Ken! Next time na lang ko sayo sasabihin! May importante kasing tumawag sa akin!” sabi nito at tumayo na ako agad.

Mabilis na pumasok ako sa sasakyan at nilagay nya ang kanyang mga gamit sa likuran at sinara ito, napansin kong worried ang mukha ni Ace.

“Is everything alright Ace?” sabi ko sa kanya at hindi ito tumingin sa akin at pinaandar nya ang sasakyan.

Parang lilipad kami sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya ng sasakyan kaya ako ay nag seatbelt at napansin yun ni Ace.

“Bakit hindi pinagtatagpo ang oras natin! Damn it!” nasabi lang nya at narinig ko yun na pinagtaka ko.

Nang makita kong nasa highway na kami, ay matulin pa din ang pagmamaneho nya at nakarating kami sa entrance ng school at bumaba na ako, napansin kong isa sa mga staff ng school ang naghihintay kay Ace at pinasakay nya ito.

“What happen kaya?” sabi ko na lang sa aking sarili at agad naman akong pumasok sa school para dun na lang kumain ng lunch.

Habang naglalakad ay nabunggo ako ni Argel.

“It’s you again!” sabi nya.

Hindi na lang ako umimik dahil medyo nag aalala ako sa kalagayan ni Ace, medyo balisa pa sya at ang tulin ng kanyang pagmamaneho.

“Hey! Hindi ka ba magsasalita?” sabi ulit nito sa akin at tinititigan ko sya sabay alis sa harapan nya.

Hindi ko naman namalayan na sinusundan ako ni Argel hanggang sa cafeteria kung saan dun na ako umorder ng lunch ko.

“Ate iced tea po at isang burger!” sabi ko at pumunta na ako sa counter para kunin ang inorder ko at nagbayad na.

Naghanap ako ng mauupuan kaso puno na ang cafeteria at naramdaman kong may humawak sa balikat ko, napalingon ako at si Argel pala yun.

“Tara! Dito tayo sa secret place ko kumain” sabi nito, dahil wala nang mauupuan ay sumunod na lang ako sa kanya.

Pumunta kami ng rooftop at natanaw ko ang buong school, ang laki talaga nito at maraming puno kaya presko sa pakiramdam.

“Like it?” sabi nya sa akin at tumango lang ako.

Naninibago din ako kay Argel katulad din sya ni Ace na weirdo ngayong araw.

Naglakad pa kami at nakita ko na may isang table dun at upuan na parang sa mga guard na naka post sa gabi dun.

“Argel?” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Don’t worry wala pa yung mga bantay dito! Mamaya pa yun darating!” sabi nya sa akin na parang alam na nya ang aking sasabihin.

Umupo na kami at ang oras na yun ay awkward para sa akin, dahil hindi ko pa nakikilala ng lubos si Argel, bukod sa laban namin kagabi at kaninang umaga ay wala na akong alam tungkol sa kanya kaysa kay Ace.

“Magkaiba talaga kayo ni Ace?” tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin at binaba ang kanyang kinakain.

“Si Ace ay yung taong nag- iisip muna bago kumilos, ako naman kabaliktaran nun mahilig akong gumawa ng challenged bago ko isipin ang nangyari.” Sabi nya sa akin at bumalik na sya sa pagkain.

“By the way, bakit ka pala naisipang lumipat dito? Eh balita ko kay Ace na taga International School ka?!” sabi nito sa akin at napatigil ako sa pagkain.

“Nilipat kasi ang parents ko ng branch eh, si kuya naman ay nakapasok as a consultant sa isang company dito din kaya ako napilitang sumama sa kanila, mahirap naman kung mag isa lang ako sa manila, even though I have my friends there.” Sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin.

Tinititigan ko sya habang nakatingin sya sa akin, ang itchura nya ay malayo kay Ace dahil na siguro ay Player ng basketball kaya ganun, pero ang mga mata nya ay kaparehas ng kay Ace mapungay ito at nang aakit, ang mga mapupulang labi na parang mansanas at ang kanyang buhok na laging wala sa ayos... Hindi ko maisip na sabihan ito na panget eh! Dahil ang lahat ng mga kababaihan at kabadingan dito sa campus ay pinagtitilian sya kapag nadaan sya sa hallway.

Nagising na lang ako sa aking pagmumuni muni nang tapikin nya ako sa pisngi.

“Ayos ka lang?” sabi nito sa akin at nabigla ako.

“Ye..yeah! I’m okay! Hehe!” sabi ko lang sa kanya.

“Wake up Ken! You’re not a gay!” sabi ng konsensya ko at inubos ko na ang aking kinakain.

“Saturday na pala bukas! May gagawin ka ba?” sabi ni Argel sa akin habang nainom ako ng Iced tea.

“Yeah... meron akong gagawin!” sabi ko sa kanya.

“Ahh ganon ba?” sabi nito at napansin kong yumuko ito at tumingin sa kanyang kinakain.

“Yep! Study first before gimik!” sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin.

“Kung gusto mo dito, sabihin mo lang at papa ayos ko ito para kapag lunch break ay dito ka na kakain!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Ken?” sabi nya sa akin at tinignan ko sya.

“Yes?” sabi ko lang sa kanya at nakita kong hindi sya mapalagay.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mukha, bigla naman akong kinabahan sa kanyang ginawa at iniwas ang aking mukha.

“What the hell is that?” sabi ko sa kanya at natawa sya sa itchura ko.

“Kasi may dumi ang pisngi mo! Ang takaw kasing kumain ng burger!” sabi nya sa akin at agad kong nilinis ang aking mukha.

“Para kang bata!” biro nya sa akin habang tinatawanan nya ako.

“Gago!” sabi ko sa kanya at lumipat sya ng kinauupuan at tumabi sa akin.

“Teka! Bakit dito sa tabi ko?” sabi ko sa kanya na medyo naiilang sa mga kinikilos nya.

“Wala lang! gusto lang kitang maging ka close, kaya tumabi ako sayo!” sabi ni Argel at nanahimik akong bigla.

“Wala namang masama kung magiging tropa mo sya...” sabi ng aking konsensya at napatingin ako sa kanya.

Ang haplos ng hangin na dumampi sa kanyang katawan ay naamoy ko ang kanyang pabango, nanibago ako sa aking sarili na para bang may maliit na boses sa aking utak na nagsasabing “Grabe ang bango nya!” pero nilabanan ko ito at hindi na lang umimik.

“Alam mo ba na dating ng parents namin ngayon?” sabi nya sa akin habang nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa kalangitan sya.

“Kaya pala nagmamadali si Ace kanina! Now I know!” sabi ko sa aking sarili at tinignan sya ng matagal.

“Ganun ba? Eh di dapat masaya ka nyan?” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin, nakita ko ang ibang Argel sa mga oras na iyon, maamong mukha, ang mga matang nang aakit, ang kanyang ilong na medyo matangos at ang mapupulang labi na parang nakaka akit halikan...

“Hindi kami masaya ni Ace!” sabi nya sa akin at wala na akong naisagot sa kanya, napayuko lang ako at naramdaman ko naman sya na nakatingin sa akin kaya tinignan ko sya at biglang inalis nya ang tingin at tinuon sa kalangitan.

“Alam mo ba na ang mga clouds nagkakaroon ng hugis kapag sinasabi ng utak mo?” sabi ko sa kanya at tumingala din ako sa kanya.

“Tignan mo yung malaking parte na yun, mukhang entrance ng palasyo!” turo ko sa kanya at tinignan nya ito.

“Hindi naman eh! Mukha syang malaking wall na punong puno ng halaman!” sagot nya sa akin.

“Eh yung isa na mukhang malaking ibon?” sabi ko at tumingin sya.

“Mukhang phoenix!” sabi nya sa akin at nakita ko syang ngumiti.

“Kitams! Sabi ko sayo eh!” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.

Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na at nakita kong malapit nang mag ring, kaya agad akong  tumayo at nakita ni Argel ang pag aayos ko ng aking sarili.

“Malapit nang mag time! I need to go! Pupunta pa ako sa locker para kunin ang gamit ko!” sabi ko sa kanya at biglang hinila nya ang aking braso at napalapit sa kanyang katawan, naramdaman ko ang kanyang braso at bumalot sa aking katawan, dahilan para di ako makagalaw.

“Ken! Salamat ah! Pinagaan mo ang loob ko!” sabi nya sa akin at biglang kumalas ako sa yakap na ginawa nya.

“Sige I need to go! Thanks sa pagpunta mo sa akin dito!” sabi ko habang naglalakad ako papalayo kay Argel.

“My God! Magkapatid silang weirdo ngayon!” nasabi ko na lang sa aking sarili at naglakad na sa hagdan pababa.

Habang naglalakad ako ay di pa rin mawala sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa akin ngayong araw, si Ace na pinunta nya ako sa isang relaxing na lugar, at si Argel na nagyaya sa akin sa rooftop, ngayon ay naguguluhan ako sa aking nararamdaman, pero isasantabi ko muna ito dahil kailangan kong mag focus sa pag aaral ko.

Nang makarating ako sa locker room ay agad kong binuksan ang aking locker at kinuha ang binder at ballpen na nakalagay dun, nakita kong papalapit sila Luke at Abby sa akin...

“Ken, kamusta pag uusap nyo ni Ace?” sabi ni Abby sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
Nagtinginan sila Luke at Abby at sinara ko na ang aking locker, medyo hindi ko naintindihan ang sinabi ni Abby sa akin kaya biniro nanaman nya ako.

“Ano nga?! Ngiti ngiti lang?! wala ka bang dila para magkwento?!!” sabi ni Abby na umangkla sa aking braso nanaman at naglakad kami papasok ng room.

“Ano nga ba ulit tanong mo?” sabi ko sa kanya at natawa si Luke sa kinikilos ko.

“Sabi ko sayo eh! May tinira yang si Ken!” biro sa akin ni Luke at ngumiti lang ako.

“Ano? Panis na rugby?” sagot ni Abby at tumawa nanaman siya.

Napatawa ako sa sinabi nya at nang makapasok na kami ng classroom ay napansin ko agad si Ace kaya nginitian ko ito at sumagot naman din sya ng ngiti sa akin.

“Hmm... maybe hintayin na lang natin si Ken na magsalita kapag nasa tamang oras na!” sabi ni Abby at umupo na ako sa may gitna kung saan nakita ko si Cheryl at tinapik ito sa kanyang likod.

“Kamusta?!” bati nya sa akin at agad akong ngumiti sa kanya.

Magkukwento na sana ako kay Cheryl nang biglang pumasok ang professor namin at parang katulad pa din ng dati, attendance check muna!

“I see na karamihan sa inyo ay present kaya mag umpisa na tayo sa ating aralin!” sabi ng professor namin sa Filipino at nilabas na namin ang aming mga ballpen para isulat ang mga importanteng notes.

Medyo bored ang oras na yun! Hindi ko maintindihan dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagka bored sa class na yun at napahikab ako, napansin ng professor namin yun at pinatayo ako.

“Nararamdaman kong inaantok ka! okay Ken, sagutin mo itong nasa board!” sabi nya sa akin at agad akong pumunta sa board at isulat ang sagot ko, nang matapos na akong magsulat at agad kong binigay ang marker sa aming professor at ngumiti ito sa akin.

“Mukhang marami kang ikukwento sa amin ah!” sabi ni Cheryl sa akin at napatingin ako sa kanya.

Nakita ko ang kanyang mga ngiting aso na pinipilit akong magkwento, kaya di ko na napigilan at binulong ko sa kanya...

“After class ikukwento ko sa inyo, before na dumating yung sundo ko!” bulong ko sa kanya at bumalik na kami sa pagsusulat.

Naging mabilis naman ang oras nang pumasok na kami sa mga sumunod na klase at hindi namin namalayan na tapos na pala ang araw namin kaya ang iba ay nagsisihiyawan at ang iba naman ay nagtatakbuhan papalabas na ng campus.

Pumunta muna kami ng locker at kinuha ko muna ang mga gamit ko, at nakita ko si Ace kaya hinarang ko ito.

“Sinabi saken ni Argel kung bakit ka nagmamadali kanina!” sabi ko sa kanya at nabigla sya sa kanyang narinig.

“Ah... ta...talaga! salamat kung nag aalala ka saken! At sorry kung di ako natuloy sa sasabihin ko! May bukas pa naman eh!” sabi nya sa akin at naalala kong may brainstorming kaming dalawa sa bahay nila at napangiti ako sa kanya at nagpaalam na dito.

Bumalik ako sa aking locker at napansin ko silang tatlo na nagtataka...

“So hindi ka na magsasalita...” sabi ni Cheryl

“At papakita mo na lang na...” dagdag ni Luke

“Magka close na pala kayo ni Ace!” singit ni Abby at napakamot na lang ako ng ulo at sinara ko na ang aking locker.

Bumaba kaming apat at nang makadaan kami sa lobby ay nakita kong may nakapaskil na announcement.

Nakita din nila ang nakapaskil at tinignan ako...

“Sasali ka dyan?” sabi ni Luke sa akin.

“Absolutely!” sabi ko sa kanya na may confident ang tono.

“Talaga?!” dagdag ni Abby sa akin.

“Oo nga! Unli ka lang?! Kailangang paulit ulit ang tanong?!” biro ko sa kanila at nagtawanan kami.

“Ken! Sige! Pupunta kami dyan at susuportahan ka namin!” sabi ni Cheryl na napansin kong may ka text.

“Thanks mga new friends ko! Sinusuportahan nyo ako! Hayaan nyo kapag nakapasok ako dyan, ililibre ko kayo!” sabi ko sa kanila at nakita kong ngumiti lang sila sa akin.

Nang makuha ko na ang number na nakalagay dun ay naglakad na kami papalabas ng school.

Habang nasa hallway kami ay nakita kong naglalaro ang basketball team, nakita ko din si Argel at napansin nya ako.

Tumigil sila Cheryl, Abby at Luke nang makita akong nakatingin sa mga naglalaro.

Nakita kong nagpapakitang gilas si Argel sa akin at natatawa lang ako, kasi wala akong time para sumali ulit sa laro nila, and besides may pupuntahan akong tao na gusto kong idalaw sa bahay.

Naramdaman kong lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at napatingin sa mga players na naglalaro, nakita nila si Argel na papalapit sa amin kaya tinignan ako nila na may halong pagtataka.

Itutuloy...

Shooting Stars [4]




“Teka!” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya

Tumayo lang ako at nakatingin sa kanya.

“Diba ikaw yung tumalo kay Argel?” sabi nito sa akin.

“Ye...ah?! why?” sabi ko na may pagtataka sa sinabi niya.

“Sali ka sa amin! Kulang kami ng players eh!” sabi nito sa akin at tinignan ko ang grupo nila.

“Wala akong  rubber shoes!” sabi ko sa kanya.

“Um... teka lang!” sabi nya at pumunta siya sa coach nila.

Nakita kong kinausap nya yung coach at napansin kong tinuro ako kaya kinabahan ako, at sa haba ng usapan nila ay nakita kong tumango ang coach nila, bumalik na sya sa akin at kinausap ulit ako.

“Okay lang daw sabi ni coach, and besides play lang naman ito eh! Kulang lang talaga kami ng player!” sabi nito at nginitian ko lang siya.

“Wait lang kukunin ko lang yung bag ko sa bench” sabi ko sa kanya at tumango lang ito, pumunta ako sa bench kung saan nakalagay yung bag ko at pinasok ang cellphone at ang necklace ko, at bumalik na sa court para sumali sa laro nila.

Nakita kong wala si Argel sa practice game, naka pwesto na ang lahat ng kasali at hinihintay lang ang pagsipol ng coach.

Hanggang sa nagumpisa na ang laro, napunta sa amin ang bola at dinipensahan ako ang katapat ko para hindi nya makuha sa kakampi ko yung bola, at nang makakita ako ng butas ay agad akong sumenyas na ipasa sa akin ang bola, napansin naman ito ng isa kong kakampi at nag lay-up ako, pumasok ang bola at narinig kong nagsigawan ang mga babae na kanina pa nakatingin sa akin.

“Nice one!” sabi sa akin at tinapik ako sa aking balikat.

“Great move!” sabi ng isa ko pang kakampi at nagsitakbuhan na kami papuntang kabilang court para depensahan.


“Pare depensa lang! kami nang bahala sa rebound!” sabi ng isa kong kakampi.

Dinipensahan ko lang ang may hawak ng bola at nang papasok na sya ay agad akong binalya at napaupo, pumito ang coach para tawagin yun na foul.

“Sorry pare!” sabi sa akin.

“It’s okay!” sabi ko lang at agad akong tumayo.

“Kaya pa?!” sigaw ng coach sa akin at tumango ako.

Nag free throw ako ng dalawa at pumasok yon, narinig ko ang mga babae ay nagsisigawan at napalingon ako, napansin kong mga kaklase ko pala yun at nakita ko si Cheryl sa grupo nila.

Agad nang nagtatatakbo ang mga kakampi ko sa kabila para makapuntos, napalingon ako at nakita ko yung kakampi ko na nahihirapang makahanap ng papasahan kaya lumayo ako at tinawag ko sya.

“Dito! Libre ako!” sabi ko sa kanya at pinasa nya sa akin ang bola.

Habang hawak ko ang bola ay agad akong naghanap ng pwedeng pasahan pero mahigpit ang naging depensa ng kalaban namin kaya ako na lang ang nag drive nito, naghanap ako ng pwedeng malusutan at ma-i-shoot ang bola, at nakakita nga ako, lumusot ako sa kalaban na nakabantay sa akin at nag fake shot, pinasa ko ito sa kakampi ko at pumasok sya para I lay-up ang pinasa ko, at pumasok ulit ang bola, nakita kong nagsisigawan sila at pumito ang coach.

“Okay! Substitution!” sabi nito at napatingin naman ako kung sino ang ipapalit, nakita ko si Argel na nakabihis na ng jersey at pinalitan nya ang isa sa kalaban namin.

“Game!” sigaw ng coach at balik na kami sa court.

Si Argel ang may hawak ng bola at dinepensahan sya ng isa sa mga kakampi ko, naririnig kong dumarami ang nanonood ulit sa laro kahit alas-9 na ng umaga, napansin ko din si Lexie na nanonood sa may bandang hallway kaya ginanahan akong maglaro.

Habang hawak ni Argel ang bola ay agad na akong dumipensa sa loob na malapit sa ring para  sa isang rebound, nag drive si Argel at tumalon sa harapan ko, kaya sinabayan ko sya at naabot ko ang bola na hawak nya, tinapik ko ito sa kakampi ko na walang dumidepensa at kinuha nya yun at mabilis na nag drive papunta sa ring ng kalaban para I shoot, at nagawa nga nya! Nagsigawan ang mga estudyante at narinig ko ang bell kaya pumunta na ako sa coach ng basketball team para magpaalam.

“Salamat! Ang galing mo talaga!” sabi ng coach sa akin at ngumiti ako.

“KEN!” sigaw sa akin at lumingon ako kung saan yung boses na nagmula.

Nakita ko si Argel na tinaas ang kamay at lumapit ako sa kanya.

“Babawi ako sayo!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Geh! Hihintayin ko yun!” sabi ko lang at pinuntahan ko na ang bag ko na nasa bench nakalagay.

Nakita ko ang mga kaklase ko ay lumapit sa akin at kinausap ako.

“Nice! Ang galing mo!” sabi ni Abby

“Ano pa masasabi mo! Eh, galing sa International School!” sabi naman ni Luke

“Oh Ken! Baka nauuhaw ka na!” sabi sa akin ni Cheryl at binigay sa akin ang bottled water.

“Salamat sa inyo! Haha!” sabi ko at naglakad kami.

Habang naglalakad kami ay nalimutan kong magpalit kaya sinabi ko na pupunta ako ng CR para magpalit at ngumiti lang sila sa akin, si Cheryl
naman ay sasamahan nya daw ako.

“Ken! Kanina nung pinapanood kita para kang professional na sa ginagawa mo! Ang galing talaga!” sabi ni Cheryl.

“Thanks!” ang sagot ko lang at pumasok na muna ako sa CR para magpalit.

Nang makapasok ako ay agad na akong naghanap ng cubicle na pwedeng isabit ang bag ko para kunin ang shirt na extra, nang maramdaman kong may pumasok sa CR din.

“Pare ang galing talaga nung nakatalo kay Argel! Galing mag drive, pati na rin maging shooting guard ang galing talaga!” sabi nito.

“Brad! Hindi pa naman seryoso si Argel kasi! Kaya nasasabi mo yan! Hintayin mong magseryoso sya at makikita nung baguhan na yon kung sino ang kinalaban nya!” sabi lang nito at nagtawanan sila, narinig kong may pumasok din na isang estudyante at nabigla ako sa pangalan na nabanggit ng dalawang estudyante na nag CR.

“Ace! Kamusta! Balita ko nasupalpal nanaman ang kapatid mo kanina ah!” sabi nito at tahimik akong nakikinig.

“Ah yun ba? Sino daw ang nakatalo?” sabi nito.

“Eh di yung maangas na estudyanteng lumaban kagabi sa kanya.” Sabi lang nito at narinig kong pinipilit nyang pinapatigil yung kasama nyang magsalita.

“Ah si Ken!” sabi ni Ace at narinig ko ang sinabi nyang,

“Mahina naman talaga si Kuya Argel! Kahit kelan hindi nya pinag aaralan ang kalaban!” sabi ni Ace at nagtaka ako bakit ganun syang magsalita.

“Si kuya Argel na lang, hindi ko kayang kalabanin ang taong kinikilala ko eh!” sabi nito at napangiti ako sa kanya.

At narinig kong lumabas na ang dalawang estudyante sa CR habang ako naman ay nagmadali nang magbihis kasi naisip kong naiinip na si Cheryl sa akin.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nakita ko si Ace sa may sink na naghuhugas ng kamay at nagulat ito sa akin.

“Ke..n!” sabi nito na parang nakakita ng multo sa kaba.

“Oh bakit? Parang nakakita ka ng multo ah!” biro ko sa kanya at napansin kong tumungo sya kaya nilapitan ko ito sa may sink.

“Thanks pala kanina ah! Narinig ko ang conversation nyo!” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin habang inaayos ko ang aking buhok.

“Ah...Yu...Yun ba?! Wa...Wala yun! Hehe! Um, Sige! Mauna na ako sa classroom!” sabi nya sa akin at tumango ako sa kanya, nagkakandaripas ng lakad si Ace at napailing lang ako sa ginawa nya.

“Talagang iba ang kinikilos nya ngayon ah!” sabi ko sa aking sarili at nang matapos akong mag ayos ay lumabas na ako sa CR at nakita si Cheryl na nakaupo sa bench.

“Grabe ah! Ganyan ka ba katagal magbihis?” biro sa akin ni Cheryl.

“Sorry naipit ako sa mga naguusap eh! Di ako makalabas sa cubicle!” sabi ko sa kanya at naglakad na kami papuntang classroom.

Habang naglalakad kami ay naalala ko ang mga kinikilos ni Ace kanina, kaya natanong ko si Cheryl.

“Cheryl, pwedeng magtanong?” sabi ko

“Sige! Ano ba yun?” sagot nya sa akin at tumingin ako  sa kanya.

“Napansin mo siguro si Ace kanina, parang kakaiba ang kinikilos nya! Pansin ko lang...” sabi ko sa kanya at napatigil kami sa paglalakad.

“Napansin ko nga din eh, pero hayaan mo na yun! Ganyan talaga yun kapag may nararamdamang masaya.” Sabi lang nya sa akin at parang naging interesado akong tanungin sya.

“Ahh ganun ba?!” sabi ko na lang at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.

Nang makapunta na kaming dalawa sa room ay agad naghanap ng bakanteng upuan si Cheryl at nakakita sya sa may second row at umupo kami.

Nang makapasok na ang professor namin sa Developmental Psychology ay agad nang tumahimik ang mga kaklase ko, nakita ko si Ace sa harapan ko kaya napangiti lang ako sa naiisip ko na nangyari kanina sa CR.

Hanggang sa nag attendance kami at nag lesson na ang professor namin, astig ang professor namin, hindi masyadong mahigpit dahil hindi naman namin major yung subject na hawak nya kaya puro tawanan at recitation ang ginagawa namin ng buong oras.

“Ken! Tara na!” sabi sa akin ni Cheryl nang matapos ang aming unang klase.

Napansin kong nakaupo pa din si Ace kaya tinapik ko ang balikat nya.

“Ace! Parang tulala ka dyan!” sabi ko sa kanya at tumayo sya at naglakad na parang nasa CAT training.

“Mukhang Tuod naman yun!” biro ni Abby na biglang sumulpot kung saan.

“Oh Abby!” gulat kong sagot sa kanya at hinawakan nya ang braso ko, maliit sa akin si Abby kaya mukha kaming magkapatid.

“Hello! Sabay na ako sa inyo ni Cheryl!” sabi nya at ngumiti lang si Cheryl pagpapayag sa sinabi ni Abby.

Habang naglalakad ay napansin ko ang isang grupo na tinititigan ng mga estudyante habang naglalakad sa hallway, kaya kaming tatlo ay napatigil din, napansin kong si Abby ay kinikilig nang makita nya ang isa sa kasama dun at si Cheryl naman ay blanko ang mukha katulad ko.

“Hey! What’s up!” sabi ng isang pamilyar na boses nang makalayo na sila.

Kaya tinignan ko ito at si Argel nanaman ang nakita ko!
Grabe hindi ko alam kung nang aasar ba sya o malakas lang mang trip kaya nang makalagpas na sila sa amin ay agad kaming pumunta sa susunod na klase namin.

“Nginitian ako ni Alfons!” sabi ni Abby at binatukan ni Cheryl.

“Baliw ka talaga! Kahit kelan patay na patay ka kay Alfons!” biro nito at tinitignan ko sila habang nag uusap.

“Eh at least may inspiration ako! Ikaw sino? Si Errol na kasali sa swimming team! Yuck! Mga dugyot!” biro nito at natawa ako sa sinasabi nilang dalawa.

Habang naglalakad kami ay nakita kong nagtitinginan din ang mga estudyante sa akin, at nang mapalingon ako, nakita ko si Lexie na nagbabasa sa room na nadaanan ko kaya pinatigil ko silang dalawa at pinuntahan si Lexie.

Tahimik akong pumasok at piniringan ko ang kanyang mata gamit ang kamay ko.

“Ken Yoshihara! Itigil mo na nga yan!” sabi nito at ngumiti ako sa kanya.

“Paano mong nalaman ako?” sabi ko sa kanya nang makapunta sa kanyang harapan.

“Yung perfume mong Escape, ikaw lang ang meron nyan kaya kilalang kilala ko!” sabi nito sa akin at namula ang aking mukha.

“Ahem!!” singit ni Cheryl na nakatayo sa likuran ko at kasama si Abby.

“Ay si Cheryl pala at si Abby mga classmate ko! Abby, Cheryl si Lexie pala” sabi ko at napansin ako ni Abby na namumula.

“Yan ba yung crush mo?” biro sakin ni Abby.

Namula din ang mukha ni Lexie at ganun din yung akin kaya tinakpan ko ang bibig ni Abby at napatawa sa mga kalokohan na sinabi nya.

“Teka Kenpot, may free time ka ba later? Tara lunch tayo kasama ko ang mga classmates ko din at si Ace!” at tumango lang ako sa tanong nya.

Nakita kong pinipigilan nila Abby at Cheryl ang pagtawa sa narinig nila kay Lexie, at hinila na ako ni Cheryl papalabas dahil nag ring na ang bell para sa second class namin.

“Kenpot!!!” sabi ni Abby at nagtawanan silang dalawa.

“Kababata ko yan eh, at crush ko pa!, panget bang pakinggan?” pagdidipensa ko sa kanila at tumatawa pa din sila.

Nang malapit na kami sa room ay agad kaming pumasok at umupo humiwalay lang si Abby kasi maliit sya kaya umupo sya sa unahan.

“Good morning class!” bati sa amin ng professor na kadarating lang.

“Good morning Sir Clarence!” sagot nila at umupo sya sa table nya.

“Okay before we start, let me call your names and say present!” sabi nya at tinawag kami isa isa.

“Everybody is present, so let’s get this lesson more exciting!” sabi nya at tumingin sa aming lahat.

Nakatingin lahat kami at nakita kong si Cheryl ay nakatingin sa akin.

“What!” bulong ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Ang pogi nya oh! Parang si fafa Errol lang!” sabi nya sa akin at napangiti ako sa kanya, napansin kami ng professor namin at tinawag ang mga pangalan namin para tumayo.

“And what are you two talking about?!” sabi nya sa amin at nagtawanan ang buong class namin.

“Sir si Ken po tinanong ko lang po...” sabi nya

“And Mr. Yoshihara what did she tell you?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako kay Cheryl.

“That... You’re so handsome and hot!” sabi ko sa aming professor at naghiyawan ang buong class namin kay Cheryl.

“Okay class! Tama na yan! Ms. Sy salamat sa appreciation!” at ngumiti ito kay Cheryl na lumakas pa ang hiyawan ng mga kaklase ko, kahit ako din ay natawa sa ginawa nya, nakita kong namumula sya sa hiya.

“Oy! Cheryl patas na tayo! Kanina ako ang pinagtripan nyo, ngayon ikaw naman! And I think he’s perfect to you!” sabi ko sa kanya at hinampas nya ako sa balikat.

Masaya ang naging lecture namin sa kanya, kapag si Cheryl ang tinatawag ay naghihiyawan ang buong class sa kanya, kaya nawawala ito sa focus.

Hindi na namin namalayan na it’s almost time na, kaya nagbigay si Sir Clarence ng homework, at nagsialisan na ang iba kong kaklase maliban sa amin nila Cheryl at Abby na inaayos pa ang kanilang itchura.

“HoMay Gawd! Cheryl iwasan mong magsabi dyan kay KENPOT! Baka ibuko ka lagi!” biro ni Abby at nagtawanan kaming tatlo.

Naisipan kong pumunta muna kami sa locker ko at ilagay ang mga gamit para hindi na ako magdadala sa lunch break namin nila Lexie.

“Kaya nga eh! Kainis ka Ken! Akala ko naman pagtatanggol mo ako! Yun pala ipagkakalat mo!” sabi ni Cheryl at hinampas nya ulit ako.

Habang naglalakad kami papuntang locker ay nakita ko na naglalakad si Sir Clarence papunta sa amin, at hindi ko ito sinabi kay Cheryl.

“Nakakailang hampas ka na ah! Buti nga alam ni Sir Clarence na nakita mo ang personality nya eh!” sabi ko at naramdaman kong malapit na sa amin si Sir Clarence.

“Hey Cheryl!” bati nito sa kaibigan ko at nakita ito ni Cheryl na biglang di malaman kung ano ang gagawin.

“Hi Sir!” sabi ni Abby at ngumiti lang ako.

“Hello Abby at Ken! Mag lu-lunch na ba kayo?” tanong nya sa amin at napansin namin ni Abby na hindi makasagot si Cheryl.

“Yes sir! Sa Mcdo kami kakain with Ken’s childhood crush!” sabi ni Abby at napatingin ako ng masama sa kanya.

“Why?!” sabi ni Abby at nakita kong ngumiti si Cheryl.

“Ahh ganun ba?! Sige! Ingat kayo sa pagbyahe! Cheryl puntahan mo ako sa faculty after ng last class mo!” sabi ni Sir Clarence at tinignan namin  si Cheryl na kanina pang hindi makapag salita dahil nahihiya siya sa professor namin.

Kung pagbabasehan mo, si Sir Clarence yung boy-next-door type na lalaki, makulit, at syempre binata! Si Cheryl naman ay matanda sa akin ng 4 years pero mukhang teenager pa din sya, si Abby naman ay ang masasabi kong “Big Things comes in Small package!” maliit nga sya pero mas matalino sa akin yan, at mas makulit pa sa amin!

Nang makapunta na kami sa locker ko ay agad ko itong binuksan at nilagay ang photocopied ng homework at ang binder ko.

“My God! Grabe naman kayong dalawa!” sabi ni Cheryl at napatingin kami sa kanya.

“Aba! Nagsalita na ang walang dila kanina!” biro ni Abby.

“Shut up! Eh paano kasi kayo eh! Nakakainis!” sabi nito sa amin at nag Maria Clara ang kanyang boses, at natawa kami ng natawa dahil sa ginawa nya.

“Whatever Cheryl!” sabi ni Abby at tawa pa din kami ng tawa, at nang maisara ko na ang locker ay nakita namin ang taong kanina pa kami naninibago ni Cheryl...

“Ace!” pagtawag ko sa kanya at nagulat ito.

Paalis na sana sya kaso hinarang sya ni Abby at pinapunta sa akin.

“I am worried, kanina pa sa CR eh parang naiilang ka sa akin? May problema ba?” sabi ko sa kanya.

At tumitig sya sa akin ng matagal.

“Ken, can I talk to you?” sabi nya sa akin at tumingin ako kila Cheryl at Abby at tumango naman ito.

“Paki sabi kay Lexie na hindi na ako makakapunta!” sabi ko kila Chery at Abby.

Tumango lang silang dalawa at agad kaming bumaba papuntang lobby.

“Ano ba sasabihin mo?” sabi ko sa kanya.

“Later na lang kapag tayong dalawa na ang magkausap!” sabi nito at napa buntong hininga ako.

Nang makababa na kami sa lobby ay agad nang umalis sila Cheryl at Abby.

“Come with me!” sabi nya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami sa parking lot ay pinapasok nya ako sa sasakyan nya.

“Teka! Saan mo ako dadalhin!” sabi ko sa kanya at tahimik lang syang pinaandar ang sasakyan.

“Oh! God!” sabi ko na lang at umalis na kami sa parking lot ng school.

Itutuloy...