Wednesday, September 5, 2012

Shooting Stars [4]




“Teka!” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya

Tumayo lang ako at nakatingin sa kanya.

“Diba ikaw yung tumalo kay Argel?” sabi nito sa akin.

“Ye...ah?! why?” sabi ko na may pagtataka sa sinabi niya.

“Sali ka sa amin! Kulang kami ng players eh!” sabi nito sa akin at tinignan ko ang grupo nila.

“Wala akong  rubber shoes!” sabi ko sa kanya.

“Um... teka lang!” sabi nya at pumunta siya sa coach nila.

Nakita kong kinausap nya yung coach at napansin kong tinuro ako kaya kinabahan ako, at sa haba ng usapan nila ay nakita kong tumango ang coach nila, bumalik na sya sa akin at kinausap ulit ako.

“Okay lang daw sabi ni coach, and besides play lang naman ito eh! Kulang lang talaga kami ng player!” sabi nito at nginitian ko lang siya.

“Wait lang kukunin ko lang yung bag ko sa bench” sabi ko sa kanya at tumango lang ito, pumunta ako sa bench kung saan nakalagay yung bag ko at pinasok ang cellphone at ang necklace ko, at bumalik na sa court para sumali sa laro nila.

Nakita kong wala si Argel sa practice game, naka pwesto na ang lahat ng kasali at hinihintay lang ang pagsipol ng coach.

Hanggang sa nagumpisa na ang laro, napunta sa amin ang bola at dinipensahan ako ang katapat ko para hindi nya makuha sa kakampi ko yung bola, at nang makakita ako ng butas ay agad akong sumenyas na ipasa sa akin ang bola, napansin naman ito ng isa kong kakampi at nag lay-up ako, pumasok ang bola at narinig kong nagsigawan ang mga babae na kanina pa nakatingin sa akin.

“Nice one!” sabi sa akin at tinapik ako sa aking balikat.

“Great move!” sabi ng isa ko pang kakampi at nagsitakbuhan na kami papuntang kabilang court para depensahan.


“Pare depensa lang! kami nang bahala sa rebound!” sabi ng isa kong kakampi.

Dinipensahan ko lang ang may hawak ng bola at nang papasok na sya ay agad akong binalya at napaupo, pumito ang coach para tawagin yun na foul.

“Sorry pare!” sabi sa akin.

“It’s okay!” sabi ko lang at agad akong tumayo.

“Kaya pa?!” sigaw ng coach sa akin at tumango ako.

Nag free throw ako ng dalawa at pumasok yon, narinig ko ang mga babae ay nagsisigawan at napalingon ako, napansin kong mga kaklase ko pala yun at nakita ko si Cheryl sa grupo nila.

Agad nang nagtatatakbo ang mga kakampi ko sa kabila para makapuntos, napalingon ako at nakita ko yung kakampi ko na nahihirapang makahanap ng papasahan kaya lumayo ako at tinawag ko sya.

“Dito! Libre ako!” sabi ko sa kanya at pinasa nya sa akin ang bola.

Habang hawak ko ang bola ay agad akong naghanap ng pwedeng pasahan pero mahigpit ang naging depensa ng kalaban namin kaya ako na lang ang nag drive nito, naghanap ako ng pwedeng malusutan at ma-i-shoot ang bola, at nakakita nga ako, lumusot ako sa kalaban na nakabantay sa akin at nag fake shot, pinasa ko ito sa kakampi ko at pumasok sya para I lay-up ang pinasa ko, at pumasok ulit ang bola, nakita kong nagsisigawan sila at pumito ang coach.

“Okay! Substitution!” sabi nito at napatingin naman ako kung sino ang ipapalit, nakita ko si Argel na nakabihis na ng jersey at pinalitan nya ang isa sa kalaban namin.

“Game!” sigaw ng coach at balik na kami sa court.

Si Argel ang may hawak ng bola at dinepensahan sya ng isa sa mga kakampi ko, naririnig kong dumarami ang nanonood ulit sa laro kahit alas-9 na ng umaga, napansin ko din si Lexie na nanonood sa may bandang hallway kaya ginanahan akong maglaro.

Habang hawak ni Argel ang bola ay agad na akong dumipensa sa loob na malapit sa ring para  sa isang rebound, nag drive si Argel at tumalon sa harapan ko, kaya sinabayan ko sya at naabot ko ang bola na hawak nya, tinapik ko ito sa kakampi ko na walang dumidepensa at kinuha nya yun at mabilis na nag drive papunta sa ring ng kalaban para I shoot, at nagawa nga nya! Nagsigawan ang mga estudyante at narinig ko ang bell kaya pumunta na ako sa coach ng basketball team para magpaalam.

“Salamat! Ang galing mo talaga!” sabi ng coach sa akin at ngumiti ako.

“KEN!” sigaw sa akin at lumingon ako kung saan yung boses na nagmula.

Nakita ko si Argel na tinaas ang kamay at lumapit ako sa kanya.

“Babawi ako sayo!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Geh! Hihintayin ko yun!” sabi ko lang at pinuntahan ko na ang bag ko na nasa bench nakalagay.

Nakita ko ang mga kaklase ko ay lumapit sa akin at kinausap ako.

“Nice! Ang galing mo!” sabi ni Abby

“Ano pa masasabi mo! Eh, galing sa International School!” sabi naman ni Luke

“Oh Ken! Baka nauuhaw ka na!” sabi sa akin ni Cheryl at binigay sa akin ang bottled water.

“Salamat sa inyo! Haha!” sabi ko at naglakad kami.

Habang naglalakad kami ay nalimutan kong magpalit kaya sinabi ko na pupunta ako ng CR para magpalit at ngumiti lang sila sa akin, si Cheryl
naman ay sasamahan nya daw ako.

“Ken! Kanina nung pinapanood kita para kang professional na sa ginagawa mo! Ang galing talaga!” sabi ni Cheryl.

“Thanks!” ang sagot ko lang at pumasok na muna ako sa CR para magpalit.

Nang makapasok ako ay agad na akong naghanap ng cubicle na pwedeng isabit ang bag ko para kunin ang shirt na extra, nang maramdaman kong may pumasok sa CR din.

“Pare ang galing talaga nung nakatalo kay Argel! Galing mag drive, pati na rin maging shooting guard ang galing talaga!” sabi nito.

“Brad! Hindi pa naman seryoso si Argel kasi! Kaya nasasabi mo yan! Hintayin mong magseryoso sya at makikita nung baguhan na yon kung sino ang kinalaban nya!” sabi lang nito at nagtawanan sila, narinig kong may pumasok din na isang estudyante at nabigla ako sa pangalan na nabanggit ng dalawang estudyante na nag CR.

“Ace! Kamusta! Balita ko nasupalpal nanaman ang kapatid mo kanina ah!” sabi nito at tahimik akong nakikinig.

“Ah yun ba? Sino daw ang nakatalo?” sabi nito.

“Eh di yung maangas na estudyanteng lumaban kagabi sa kanya.” Sabi lang nito at narinig kong pinipilit nyang pinapatigil yung kasama nyang magsalita.

“Ah si Ken!” sabi ni Ace at narinig ko ang sinabi nyang,

“Mahina naman talaga si Kuya Argel! Kahit kelan hindi nya pinag aaralan ang kalaban!” sabi ni Ace at nagtaka ako bakit ganun syang magsalita.

“Si kuya Argel na lang, hindi ko kayang kalabanin ang taong kinikilala ko eh!” sabi nito at napangiti ako sa kanya.

At narinig kong lumabas na ang dalawang estudyante sa CR habang ako naman ay nagmadali nang magbihis kasi naisip kong naiinip na si Cheryl sa akin.

Pagkalabas ko ng cubicle ay nakita ko si Ace sa may sink na naghuhugas ng kamay at nagulat ito sa akin.

“Ke..n!” sabi nito na parang nakakita ng multo sa kaba.

“Oh bakit? Parang nakakita ka ng multo ah!” biro ko sa kanya at napansin kong tumungo sya kaya nilapitan ko ito sa may sink.

“Thanks pala kanina ah! Narinig ko ang conversation nyo!” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin habang inaayos ko ang aking buhok.

“Ah...Yu...Yun ba?! Wa...Wala yun! Hehe! Um, Sige! Mauna na ako sa classroom!” sabi nya sa akin at tumango ako sa kanya, nagkakandaripas ng lakad si Ace at napailing lang ako sa ginawa nya.

“Talagang iba ang kinikilos nya ngayon ah!” sabi ko sa aking sarili at nang matapos akong mag ayos ay lumabas na ako sa CR at nakita si Cheryl na nakaupo sa bench.

“Grabe ah! Ganyan ka ba katagal magbihis?” biro sa akin ni Cheryl.

“Sorry naipit ako sa mga naguusap eh! Di ako makalabas sa cubicle!” sabi ko sa kanya at naglakad na kami papuntang classroom.

Habang naglalakad kami ay naalala ko ang mga kinikilos ni Ace kanina, kaya natanong ko si Cheryl.

“Cheryl, pwedeng magtanong?” sabi ko

“Sige! Ano ba yun?” sagot nya sa akin at tumingin ako  sa kanya.

“Napansin mo siguro si Ace kanina, parang kakaiba ang kinikilos nya! Pansin ko lang...” sabi ko sa kanya at napatigil kami sa paglalakad.

“Napansin ko nga din eh, pero hayaan mo na yun! Ganyan talaga yun kapag may nararamdamang masaya.” Sabi lang nya sa akin at parang naging interesado akong tanungin sya.

“Ahh ganun ba?!” sabi ko na lang at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.

Nang makapunta na kaming dalawa sa room ay agad naghanap ng bakanteng upuan si Cheryl at nakakita sya sa may second row at umupo kami.

Nang makapasok na ang professor namin sa Developmental Psychology ay agad nang tumahimik ang mga kaklase ko, nakita ko si Ace sa harapan ko kaya napangiti lang ako sa naiisip ko na nangyari kanina sa CR.

Hanggang sa nag attendance kami at nag lesson na ang professor namin, astig ang professor namin, hindi masyadong mahigpit dahil hindi naman namin major yung subject na hawak nya kaya puro tawanan at recitation ang ginagawa namin ng buong oras.

“Ken! Tara na!” sabi sa akin ni Cheryl nang matapos ang aming unang klase.

Napansin kong nakaupo pa din si Ace kaya tinapik ko ang balikat nya.

“Ace! Parang tulala ka dyan!” sabi ko sa kanya at tumayo sya at naglakad na parang nasa CAT training.

“Mukhang Tuod naman yun!” biro ni Abby na biglang sumulpot kung saan.

“Oh Abby!” gulat kong sagot sa kanya at hinawakan nya ang braso ko, maliit sa akin si Abby kaya mukha kaming magkapatid.

“Hello! Sabay na ako sa inyo ni Cheryl!” sabi nya at ngumiti lang si Cheryl pagpapayag sa sinabi ni Abby.

Habang naglalakad ay napansin ko ang isang grupo na tinititigan ng mga estudyante habang naglalakad sa hallway, kaya kaming tatlo ay napatigil din, napansin kong si Abby ay kinikilig nang makita nya ang isa sa kasama dun at si Cheryl naman ay blanko ang mukha katulad ko.

“Hey! What’s up!” sabi ng isang pamilyar na boses nang makalayo na sila.

Kaya tinignan ko ito at si Argel nanaman ang nakita ko!
Grabe hindi ko alam kung nang aasar ba sya o malakas lang mang trip kaya nang makalagpas na sila sa amin ay agad kaming pumunta sa susunod na klase namin.

“Nginitian ako ni Alfons!” sabi ni Abby at binatukan ni Cheryl.

“Baliw ka talaga! Kahit kelan patay na patay ka kay Alfons!” biro nito at tinitignan ko sila habang nag uusap.

“Eh at least may inspiration ako! Ikaw sino? Si Errol na kasali sa swimming team! Yuck! Mga dugyot!” biro nito at natawa ako sa sinasabi nilang dalawa.

Habang naglalakad kami ay nakita kong nagtitinginan din ang mga estudyante sa akin, at nang mapalingon ako, nakita ko si Lexie na nagbabasa sa room na nadaanan ko kaya pinatigil ko silang dalawa at pinuntahan si Lexie.

Tahimik akong pumasok at piniringan ko ang kanyang mata gamit ang kamay ko.

“Ken Yoshihara! Itigil mo na nga yan!” sabi nito at ngumiti ako sa kanya.

“Paano mong nalaman ako?” sabi ko sa kanya nang makapunta sa kanyang harapan.

“Yung perfume mong Escape, ikaw lang ang meron nyan kaya kilalang kilala ko!” sabi nito sa akin at namula ang aking mukha.

“Ahem!!” singit ni Cheryl na nakatayo sa likuran ko at kasama si Abby.

“Ay si Cheryl pala at si Abby mga classmate ko! Abby, Cheryl si Lexie pala” sabi ko at napansin ako ni Abby na namumula.

“Yan ba yung crush mo?” biro sakin ni Abby.

Namula din ang mukha ni Lexie at ganun din yung akin kaya tinakpan ko ang bibig ni Abby at napatawa sa mga kalokohan na sinabi nya.

“Teka Kenpot, may free time ka ba later? Tara lunch tayo kasama ko ang mga classmates ko din at si Ace!” at tumango lang ako sa tanong nya.

Nakita kong pinipigilan nila Abby at Cheryl ang pagtawa sa narinig nila kay Lexie, at hinila na ako ni Cheryl papalabas dahil nag ring na ang bell para sa second class namin.

“Kenpot!!!” sabi ni Abby at nagtawanan silang dalawa.

“Kababata ko yan eh, at crush ko pa!, panget bang pakinggan?” pagdidipensa ko sa kanila at tumatawa pa din sila.

Nang malapit na kami sa room ay agad kaming pumasok at umupo humiwalay lang si Abby kasi maliit sya kaya umupo sya sa unahan.

“Good morning class!” bati sa amin ng professor na kadarating lang.

“Good morning Sir Clarence!” sagot nila at umupo sya sa table nya.

“Okay before we start, let me call your names and say present!” sabi nya at tinawag kami isa isa.

“Everybody is present, so let’s get this lesson more exciting!” sabi nya at tumingin sa aming lahat.

Nakatingin lahat kami at nakita kong si Cheryl ay nakatingin sa akin.

“What!” bulong ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Ang pogi nya oh! Parang si fafa Errol lang!” sabi nya sa akin at napangiti ako sa kanya, napansin kami ng professor namin at tinawag ang mga pangalan namin para tumayo.

“And what are you two talking about?!” sabi nya sa amin at nagtawanan ang buong class namin.

“Sir si Ken po tinanong ko lang po...” sabi nya

“And Mr. Yoshihara what did she tell you?” sabi nya sa akin at napatingin naman ako kay Cheryl.

“That... You’re so handsome and hot!” sabi ko sa aming professor at naghiyawan ang buong class namin kay Cheryl.

“Okay class! Tama na yan! Ms. Sy salamat sa appreciation!” at ngumiti ito kay Cheryl na lumakas pa ang hiyawan ng mga kaklase ko, kahit ako din ay natawa sa ginawa nya, nakita kong namumula sya sa hiya.

“Oy! Cheryl patas na tayo! Kanina ako ang pinagtripan nyo, ngayon ikaw naman! And I think he’s perfect to you!” sabi ko sa kanya at hinampas nya ako sa balikat.

Masaya ang naging lecture namin sa kanya, kapag si Cheryl ang tinatawag ay naghihiyawan ang buong class sa kanya, kaya nawawala ito sa focus.

Hindi na namin namalayan na it’s almost time na, kaya nagbigay si Sir Clarence ng homework, at nagsialisan na ang iba kong kaklase maliban sa amin nila Cheryl at Abby na inaayos pa ang kanilang itchura.

“HoMay Gawd! Cheryl iwasan mong magsabi dyan kay KENPOT! Baka ibuko ka lagi!” biro ni Abby at nagtawanan kaming tatlo.

Naisipan kong pumunta muna kami sa locker ko at ilagay ang mga gamit para hindi na ako magdadala sa lunch break namin nila Lexie.

“Kaya nga eh! Kainis ka Ken! Akala ko naman pagtatanggol mo ako! Yun pala ipagkakalat mo!” sabi ni Cheryl at hinampas nya ulit ako.

Habang naglalakad kami papuntang locker ay nakita ko na naglalakad si Sir Clarence papunta sa amin, at hindi ko ito sinabi kay Cheryl.

“Nakakailang hampas ka na ah! Buti nga alam ni Sir Clarence na nakita mo ang personality nya eh!” sabi ko at naramdaman kong malapit na sa amin si Sir Clarence.

“Hey Cheryl!” bati nito sa kaibigan ko at nakita ito ni Cheryl na biglang di malaman kung ano ang gagawin.

“Hi Sir!” sabi ni Abby at ngumiti lang ako.

“Hello Abby at Ken! Mag lu-lunch na ba kayo?” tanong nya sa amin at napansin namin ni Abby na hindi makasagot si Cheryl.

“Yes sir! Sa Mcdo kami kakain with Ken’s childhood crush!” sabi ni Abby at napatingin ako ng masama sa kanya.

“Why?!” sabi ni Abby at nakita kong ngumiti si Cheryl.

“Ahh ganun ba?! Sige! Ingat kayo sa pagbyahe! Cheryl puntahan mo ako sa faculty after ng last class mo!” sabi ni Sir Clarence at tinignan namin  si Cheryl na kanina pang hindi makapag salita dahil nahihiya siya sa professor namin.

Kung pagbabasehan mo, si Sir Clarence yung boy-next-door type na lalaki, makulit, at syempre binata! Si Cheryl naman ay matanda sa akin ng 4 years pero mukhang teenager pa din sya, si Abby naman ay ang masasabi kong “Big Things comes in Small package!” maliit nga sya pero mas matalino sa akin yan, at mas makulit pa sa amin!

Nang makapunta na kami sa locker ko ay agad ko itong binuksan at nilagay ang photocopied ng homework at ang binder ko.

“My God! Grabe naman kayong dalawa!” sabi ni Cheryl at napatingin kami sa kanya.

“Aba! Nagsalita na ang walang dila kanina!” biro ni Abby.

“Shut up! Eh paano kasi kayo eh! Nakakainis!” sabi nito sa amin at nag Maria Clara ang kanyang boses, at natawa kami ng natawa dahil sa ginawa nya.

“Whatever Cheryl!” sabi ni Abby at tawa pa din kami ng tawa, at nang maisara ko na ang locker ay nakita namin ang taong kanina pa kami naninibago ni Cheryl...

“Ace!” pagtawag ko sa kanya at nagulat ito.

Paalis na sana sya kaso hinarang sya ni Abby at pinapunta sa akin.

“I am worried, kanina pa sa CR eh parang naiilang ka sa akin? May problema ba?” sabi ko sa kanya.

At tumitig sya sa akin ng matagal.

“Ken, can I talk to you?” sabi nya sa akin at tumingin ako kila Cheryl at Abby at tumango naman ito.

“Paki sabi kay Lexie na hindi na ako makakapunta!” sabi ko kila Chery at Abby.

Tumango lang silang dalawa at agad kaming bumaba papuntang lobby.

“Ano ba sasabihin mo?” sabi ko sa kanya.

“Later na lang kapag tayong dalawa na ang magkausap!” sabi nito at napa buntong hininga ako.

Nang makababa na kami sa lobby ay agad nang umalis sila Cheryl at Abby.

“Come with me!” sabi nya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami sa parking lot ay pinapasok nya ako sa sasakyan nya.

“Teka! Saan mo ako dadalhin!” sabi ko sa kanya at tahimik lang syang pinaandar ang sasakyan.

“Oh! God!” sabi ko na lang at umalis na kami sa parking lot ng school.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment