Wednesday, September 5, 2012

Shooting Star [5]



“Oh God!” sabi ko na lang habang nakasakay sa sasakyan ni Ace.

Tinignan ako ni Ace at nagtataka ako kung anong meron sa araw na ito.

Habang nasa byahe ay napansin kong iba na ang dinadaanan namin.

“Okay Ace! You’re creeping me out! Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” sabi ko sa kanya at tumingin lang ito sa akin.

Wala na akong magawa kungdi sumunod na lang kay Ace, at nang napansin kong bumagal ang andar ng sasakyan ay agad kong tinignan si Ace.

“Just wait okay!” sabi nya sa akin na medyo naiinis.

“Okay!” sabi ko sa kanya at sinandal ko na lang ang sarili ko sa upuan.

“We’re here!” sabi nya sa akin at bumaba sya ng sasakyan, nakita kong pinagbuksan nya ako ng pintuan at lumabas na ako sa sasakyan nya.

Nabighani ako sa aking nakita! Isang lugar na puro puno at ang sarap ng hangin! Sa isang banda ay may burol dun at pumunta ako.

“Ace! Ang ganda dito!” sabi ko sa kanya at nalimutan ko na ang dapat itatanong ko sa kanya.

Ngumiti lang si Ace at napansin kong binuksan nya ang likuran ng kanyang sasakyan, kinuha nya ang isang backpack at sinara nya ito.

“Sorry! Kung natakot ka! Hehe!” sabi nya sa akin habang nilalakad namin ang kulay luntian na lugar.

“Tinakot mo ako ng sobra alam mo ba yun?! Akala ko naman ay pagtitripan mo ako, kasi natalo nanaman ang kapatid mo!” sabi ko sa kanya at napakamot ng ulo si Ace.

“Wala yun! And hindi naman issue kay Argel yun eh!” sabi nito at binaba ang backpack na dala nya.

Naupo kami sa isang burol, sa ilalim ng anino ng puno na kung saan ang hangin ay hinahaplos ka at napapangiti dahil ang sarap sa pakiramdam nito.

“Do you like it?” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.

“Yes! Absolutely!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito.

Napansin ko syang pinagmamasdan ang lawak ng lugar, natatanaw ko ang lawa at naririnig ko ang mga ibon na kumakanta, ang sarap sa pakiramdam at napansin ko nanaman na binuksan nya ang backpack at nilabas ang pagkain na dala nya.

“I just remembered, ano pala ang sasabihin mo sa akin?” sabi ko sa kanya at bigla syang napahinto at tumingin sa akin.

“Eh... kasi... nahihiya akong sabihin sayo eh!” sabi nya sa akin at nahalata kong namumula ang kanyang tenga.

“Alam mo, nung tumawag ka sa number ko kagabi ganun din ang naririnig ko! Ano bang sasabihin mo?” sabi ko sa kanya at tinititigan ko sya ng seryoso.

“Kasi... I want to tell you na...” sabi nito at naputol ang aming pag uusap nang biglang nag ring ang phone nya.

“Hello?” sabi nito at nakita ko sa mukha nyang nagulat sya sa kanyang narinig.

“Hindi pwede yun! Teka saan ba kayo? Puntahan ko kayo!” sabi nito at agad nang inayos ang mga pagkain at gamit.

“Tara na Ken! Next time na lang ko sayo sasabihin! May importante kasing tumawag sa akin!” sabi nito at tumayo na ako agad.

Mabilis na pumasok ako sa sasakyan at nilagay nya ang kanyang mga gamit sa likuran at sinara ito, napansin kong worried ang mukha ni Ace.

“Is everything alright Ace?” sabi ko sa kanya at hindi ito tumingin sa akin at pinaandar nya ang sasakyan.

Parang lilipad kami sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya ng sasakyan kaya ako ay nag seatbelt at napansin yun ni Ace.

“Bakit hindi pinagtatagpo ang oras natin! Damn it!” nasabi lang nya at narinig ko yun na pinagtaka ko.

Nang makita kong nasa highway na kami, ay matulin pa din ang pagmamaneho nya at nakarating kami sa entrance ng school at bumaba na ako, napansin kong isa sa mga staff ng school ang naghihintay kay Ace at pinasakay nya ito.

“What happen kaya?” sabi ko na lang sa aking sarili at agad naman akong pumasok sa school para dun na lang kumain ng lunch.

Habang naglalakad ay nabunggo ako ni Argel.

“It’s you again!” sabi nya.

Hindi na lang ako umimik dahil medyo nag aalala ako sa kalagayan ni Ace, medyo balisa pa sya at ang tulin ng kanyang pagmamaneho.

“Hey! Hindi ka ba magsasalita?” sabi ulit nito sa akin at tinititigan ko sya sabay alis sa harapan nya.

Hindi ko naman namalayan na sinusundan ako ni Argel hanggang sa cafeteria kung saan dun na ako umorder ng lunch ko.

“Ate iced tea po at isang burger!” sabi ko at pumunta na ako sa counter para kunin ang inorder ko at nagbayad na.

Naghanap ako ng mauupuan kaso puno na ang cafeteria at naramdaman kong may humawak sa balikat ko, napalingon ako at si Argel pala yun.

“Tara! Dito tayo sa secret place ko kumain” sabi nito, dahil wala nang mauupuan ay sumunod na lang ako sa kanya.

Pumunta kami ng rooftop at natanaw ko ang buong school, ang laki talaga nito at maraming puno kaya presko sa pakiramdam.

“Like it?” sabi nya sa akin at tumango lang ako.

Naninibago din ako kay Argel katulad din sya ni Ace na weirdo ngayong araw.

Naglakad pa kami at nakita ko na may isang table dun at upuan na parang sa mga guard na naka post sa gabi dun.

“Argel?” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Don’t worry wala pa yung mga bantay dito! Mamaya pa yun darating!” sabi nya sa akin na parang alam na nya ang aking sasabihin.

Umupo na kami at ang oras na yun ay awkward para sa akin, dahil hindi ko pa nakikilala ng lubos si Argel, bukod sa laban namin kagabi at kaninang umaga ay wala na akong alam tungkol sa kanya kaysa kay Ace.

“Magkaiba talaga kayo ni Ace?” tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin at binaba ang kanyang kinakain.

“Si Ace ay yung taong nag- iisip muna bago kumilos, ako naman kabaliktaran nun mahilig akong gumawa ng challenged bago ko isipin ang nangyari.” Sabi nya sa akin at bumalik na sya sa pagkain.

“By the way, bakit ka pala naisipang lumipat dito? Eh balita ko kay Ace na taga International School ka?!” sabi nito sa akin at napatigil ako sa pagkain.

“Nilipat kasi ang parents ko ng branch eh, si kuya naman ay nakapasok as a consultant sa isang company dito din kaya ako napilitang sumama sa kanila, mahirap naman kung mag isa lang ako sa manila, even though I have my friends there.” Sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin.

Tinititigan ko sya habang nakatingin sya sa akin, ang itchura nya ay malayo kay Ace dahil na siguro ay Player ng basketball kaya ganun, pero ang mga mata nya ay kaparehas ng kay Ace mapungay ito at nang aakit, ang mga mapupulang labi na parang mansanas at ang kanyang buhok na laging wala sa ayos... Hindi ko maisip na sabihan ito na panget eh! Dahil ang lahat ng mga kababaihan at kabadingan dito sa campus ay pinagtitilian sya kapag nadaan sya sa hallway.

Nagising na lang ako sa aking pagmumuni muni nang tapikin nya ako sa pisngi.

“Ayos ka lang?” sabi nito sa akin at nabigla ako.

“Ye..yeah! I’m okay! Hehe!” sabi ko lang sa kanya.

“Wake up Ken! You’re not a gay!” sabi ng konsensya ko at inubos ko na ang aking kinakain.

“Saturday na pala bukas! May gagawin ka ba?” sabi ni Argel sa akin habang nainom ako ng Iced tea.

“Yeah... meron akong gagawin!” sabi ko sa kanya.

“Ahh ganon ba?” sabi nito at napansin kong yumuko ito at tumingin sa kanyang kinakain.

“Yep! Study first before gimik!” sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin.

“Kung gusto mo dito, sabihin mo lang at papa ayos ko ito para kapag lunch break ay dito ka na kakain!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

“Ken?” sabi nya sa akin at tinignan ko sya.

“Yes?” sabi ko lang sa kanya at nakita kong hindi sya mapalagay.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mukha, bigla naman akong kinabahan sa kanyang ginawa at iniwas ang aking mukha.

“What the hell is that?” sabi ko sa kanya at natawa sya sa itchura ko.

“Kasi may dumi ang pisngi mo! Ang takaw kasing kumain ng burger!” sabi nya sa akin at agad kong nilinis ang aking mukha.

“Para kang bata!” biro nya sa akin habang tinatawanan nya ako.

“Gago!” sabi ko sa kanya at lumipat sya ng kinauupuan at tumabi sa akin.

“Teka! Bakit dito sa tabi ko?” sabi ko sa kanya na medyo naiilang sa mga kinikilos nya.

“Wala lang! gusto lang kitang maging ka close, kaya tumabi ako sayo!” sabi ni Argel at nanahimik akong bigla.

“Wala namang masama kung magiging tropa mo sya...” sabi ng aking konsensya at napatingin ako sa kanya.

Ang haplos ng hangin na dumampi sa kanyang katawan ay naamoy ko ang kanyang pabango, nanibago ako sa aking sarili na para bang may maliit na boses sa aking utak na nagsasabing “Grabe ang bango nya!” pero nilabanan ko ito at hindi na lang umimik.

“Alam mo ba na dating ng parents namin ngayon?” sabi nya sa akin habang nakaupo sa tabi ko at nakatingin sa kalangitan sya.

“Kaya pala nagmamadali si Ace kanina! Now I know!” sabi ko sa aking sarili at tinignan sya ng matagal.

“Ganun ba? Eh di dapat masaya ka nyan?” sabi ko lang sa kanya at tumingin ito sa akin, nakita ko ang ibang Argel sa mga oras na iyon, maamong mukha, ang mga matang nang aakit, ang kanyang ilong na medyo matangos at ang mapupulang labi na parang nakaka akit halikan...

“Hindi kami masaya ni Ace!” sabi nya sa akin at wala na akong naisagot sa kanya, napayuko lang ako at naramdaman ko naman sya na nakatingin sa akin kaya tinignan ko sya at biglang inalis nya ang tingin at tinuon sa kalangitan.

“Alam mo ba na ang mga clouds nagkakaroon ng hugis kapag sinasabi ng utak mo?” sabi ko sa kanya at tumingala din ako sa kanya.

“Tignan mo yung malaking parte na yun, mukhang entrance ng palasyo!” turo ko sa kanya at tinignan nya ito.

“Hindi naman eh! Mukha syang malaking wall na punong puno ng halaman!” sagot nya sa akin.

“Eh yung isa na mukhang malaking ibon?” sabi ko at tumingin sya.

“Mukhang phoenix!” sabi nya sa akin at nakita ko syang ngumiti.

“Kitams! Sabi ko sayo eh!” sabi ko sa kanya at tumingin ito sa akin.

Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na at nakita kong malapit nang mag ring, kaya agad akong  tumayo at nakita ni Argel ang pag aayos ko ng aking sarili.

“Malapit nang mag time! I need to go! Pupunta pa ako sa locker para kunin ang gamit ko!” sabi ko sa kanya at biglang hinila nya ang aking braso at napalapit sa kanyang katawan, naramdaman ko ang kanyang braso at bumalot sa aking katawan, dahilan para di ako makagalaw.

“Ken! Salamat ah! Pinagaan mo ang loob ko!” sabi nya sa akin at biglang kumalas ako sa yakap na ginawa nya.

“Sige I need to go! Thanks sa pagpunta mo sa akin dito!” sabi ko habang naglalakad ako papalayo kay Argel.

“My God! Magkapatid silang weirdo ngayon!” nasabi ko na lang sa aking sarili at naglakad na sa hagdan pababa.

Habang naglalakad ako ay di pa rin mawala sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa akin ngayong araw, si Ace na pinunta nya ako sa isang relaxing na lugar, at si Argel na nagyaya sa akin sa rooftop, ngayon ay naguguluhan ako sa aking nararamdaman, pero isasantabi ko muna ito dahil kailangan kong mag focus sa pag aaral ko.

Nang makarating ako sa locker room ay agad kong binuksan ang aking locker at kinuha ang binder at ballpen na nakalagay dun, nakita kong papalapit sila Luke at Abby sa akin...

“Ken, kamusta pag uusap nyo ni Ace?” sabi ni Abby sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.
Nagtinginan sila Luke at Abby at sinara ko na ang aking locker, medyo hindi ko naintindihan ang sinabi ni Abby sa akin kaya biniro nanaman nya ako.

“Ano nga?! Ngiti ngiti lang?! wala ka bang dila para magkwento?!!” sabi ni Abby na umangkla sa aking braso nanaman at naglakad kami papasok ng room.

“Ano nga ba ulit tanong mo?” sabi ko sa kanya at natawa si Luke sa kinikilos ko.

“Sabi ko sayo eh! May tinira yang si Ken!” biro sa akin ni Luke at ngumiti lang ako.

“Ano? Panis na rugby?” sagot ni Abby at tumawa nanaman siya.

Napatawa ako sa sinabi nya at nang makapasok na kami ng classroom ay napansin ko agad si Ace kaya nginitian ko ito at sumagot naman din sya ng ngiti sa akin.

“Hmm... maybe hintayin na lang natin si Ken na magsalita kapag nasa tamang oras na!” sabi ni Abby at umupo na ako sa may gitna kung saan nakita ko si Cheryl at tinapik ito sa kanyang likod.

“Kamusta?!” bati nya sa akin at agad akong ngumiti sa kanya.

Magkukwento na sana ako kay Cheryl nang biglang pumasok ang professor namin at parang katulad pa din ng dati, attendance check muna!

“I see na karamihan sa inyo ay present kaya mag umpisa na tayo sa ating aralin!” sabi ng professor namin sa Filipino at nilabas na namin ang aming mga ballpen para isulat ang mga importanteng notes.

Medyo bored ang oras na yun! Hindi ko maintindihan dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagka bored sa class na yun at napahikab ako, napansin ng professor namin yun at pinatayo ako.

“Nararamdaman kong inaantok ka! okay Ken, sagutin mo itong nasa board!” sabi nya sa akin at agad akong pumunta sa board at isulat ang sagot ko, nang matapos na akong magsulat at agad kong binigay ang marker sa aming professor at ngumiti ito sa akin.

“Mukhang marami kang ikukwento sa amin ah!” sabi ni Cheryl sa akin at napatingin ako sa kanya.

Nakita ko ang kanyang mga ngiting aso na pinipilit akong magkwento, kaya di ko na napigilan at binulong ko sa kanya...

“After class ikukwento ko sa inyo, before na dumating yung sundo ko!” bulong ko sa kanya at bumalik na kami sa pagsusulat.

Naging mabilis naman ang oras nang pumasok na kami sa mga sumunod na klase at hindi namin namalayan na tapos na pala ang araw namin kaya ang iba ay nagsisihiyawan at ang iba naman ay nagtatakbuhan papalabas na ng campus.

Pumunta muna kami ng locker at kinuha ko muna ang mga gamit ko, at nakita ko si Ace kaya hinarang ko ito.

“Sinabi saken ni Argel kung bakit ka nagmamadali kanina!” sabi ko sa kanya at nabigla sya sa kanyang narinig.

“Ah... ta...talaga! salamat kung nag aalala ka saken! At sorry kung di ako natuloy sa sasabihin ko! May bukas pa naman eh!” sabi nya sa akin at naalala kong may brainstorming kaming dalawa sa bahay nila at napangiti ako sa kanya at nagpaalam na dito.

Bumalik ako sa aking locker at napansin ko silang tatlo na nagtataka...

“So hindi ka na magsasalita...” sabi ni Cheryl

“At papakita mo na lang na...” dagdag ni Luke

“Magka close na pala kayo ni Ace!” singit ni Abby at napakamot na lang ako ng ulo at sinara ko na ang aking locker.

Bumaba kaming apat at nang makadaan kami sa lobby ay nakita kong may nakapaskil na announcement.

Nakita din nila ang nakapaskil at tinignan ako...

“Sasali ka dyan?” sabi ni Luke sa akin.

“Absolutely!” sabi ko sa kanya na may confident ang tono.

“Talaga?!” dagdag ni Abby sa akin.

“Oo nga! Unli ka lang?! Kailangang paulit ulit ang tanong?!” biro ko sa kanila at nagtawanan kami.

“Ken! Sige! Pupunta kami dyan at susuportahan ka namin!” sabi ni Cheryl na napansin kong may ka text.

“Thanks mga new friends ko! Sinusuportahan nyo ako! Hayaan nyo kapag nakapasok ako dyan, ililibre ko kayo!” sabi ko sa kanila at nakita kong ngumiti lang sila sa akin.

Nang makuha ko na ang number na nakalagay dun ay naglakad na kami papalabas ng school.

Habang nasa hallway kami ay nakita kong naglalaro ang basketball team, nakita ko din si Argel at napansin nya ako.

Tumigil sila Cheryl, Abby at Luke nang makita akong nakatingin sa mga naglalaro.

Nakita kong nagpapakitang gilas si Argel sa akin at natatawa lang ako, kasi wala akong time para sumali ulit sa laro nila, and besides may pupuntahan akong tao na gusto kong idalaw sa bahay.

Naramdaman kong lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at napatingin sa mga players na naglalaro, nakita nila si Argel na papalapit sa amin kaya tinignan ako nila na may halong pagtataka.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment