Monday, September 3, 2012

Shooting Star [2]


“Hey wait up!” sabi ni Ace na napalingon naman ako.

“What?!” sabi ko sa kanya at napakamot ito ng ulo.

“Ah, kasi kanina napanood ko yung laban nyo ng kapatid ko, magaling ka din palang maglaro ng basketball?” sabi nito at napakunot ang noo ko.

“Oo, kapag may time kami ng mga tropa ko sa manila, lagi kaming naglalaro.” Sabi ko sa kanya.

“By the way, pwede bang malaman number mo? Para inform kita kung what time ang meet up natin sa Saturday para sa reporting natin.” Sabi nito at binigay ko na ang number ko sa kanya.

“Yun lang ba?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito.

“Okay sige si dad naghihintay na sa akin eh, I gotta go!” sabi ko at binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan ni dad.

Nang makapasok ako ay napansin kong nakatingin si dad sa akin.

“What?” sabi ko sa kanya na may halong pagtataka.

“Barkada mo?” sabi ni dad sa akin.

“Blockmate ko po yun!” sabi ko sa kanya at pinaandar na nya ang sasakyan.

Habang nasa daan kami ay nagtanong ulit si dad.

“How’s school?” sabi nito sa akin.

“Great dad! Parang dating school ko lang!” sagot ko naman sa kanya.

“Ayos! Teka punta muna tayo sa flowershop, bibili lang ako ng bouquet para sa Mom mo.” Sabi nito at tumango lang ako.

Habang nasa daan ay di ko mapigilang ma-bored na, at binuksan ko ang player sa sasakyan at pinasok ang cd na nandun sa may dashboard.

Habang nag lo-load ang cd ay nakita ito ni dad.

“Favorite mo talaga yang cd na yan ah!” sabi nito sa akin.

“Eh theme song namin to ng mga kabarkada ko sa manila eh!” sabi ko at naisip ko sila nung nagumpisa nang tumugtog ang player.

[The Click Five: Just the Girl]

“Gusto mo bang tawagan ko sila?” sabi ng dad ko.

“Talaga?!” sabi ko kay dad.

“Oo naman! And besides balita ko dyan din nag aaral si Lexie ah!” sabi ni dad na biglang napatingin ako sa kanya.

“Nagkita kami nila Philip at Emily sa isang convenient store, at sabi nila na dadalaw sila this weekend sa bahay para magkamustahan.” Nakangiting sambit ni Dad at ngumiti ako sa kanya.

“Baka sa Saturday ang pagbisita nila.” Sabi ni dad na kinagulat ko.

“Dad, eh may gagawin po ako nun eh, pupunta po ako sa bahay ng ka blockmate ko para gumawa ng report.” Sabi ko sa kanya at napatingin naman si dad sa akin.

“Don’t worry! Gabi naman yun eh! At kung gusto mo dalhin mo na din yang ka blockmate mo, para makilala kami!” sabi nya sa akin at napasandal na lang ako sa kinauupuan ko.

“Okay dad!” sagot ko na lang at nang medyo malapit na kami sa tindahan ay agad na itong naghanap ng lugar kung saan pwedeng mag park ng kanyang sasakyan.

Nakakita na si dad at agad na itong pumarada, at nagtanggal na si dad ng seatbelt at ganun din ako, lumabas na kami ng sasakyan at naglakad papunta sa flowershop na malapit sa may simbahan.

Habang naglalakad kami, ay napahanga ako sa ganda ng lugar! Dahil maraming ilaw sa mga stall ng flowershop na hale-halerang bumabati ang mga tindera at nilalako ang mga paninda nilang bulaklak, pero si dad ay dumerecho sa isang tindahan.

Nang mabasa ko ang pangalan ay agad akong nagtaka.

“Jiro’s Garden” sabi ko at napatingin si dad sa akin.

Nang binuksan ni dad ang pintuan ay agad na sinalubong kami ng isang matandang babae na kasama ang isang binatilyong kasing edad ko lang.

“Welcome po ulit sir!” sabi nito sa dad ko at napatingin ito sa akin.

“Aba! Ang laki na ng anak nyo!” sabi nito at ngumiti ako sa kanya.

“Ah! Si Ken po pala!” sabi ni dad na tinitignan ko siya na parang kilala nya ang matandang ito.

Nang makita ako ni dad na nakatingin sa kanya ay agad naman ako tumingin sa matanda at nagmano.

“Napakabuting bata naman ito! Ay teka papakilala ko pala sa inyo yung apo ko!” sabi ng matanda at lumapit sa amin ang binatilyong kasama nya.

“Aba! Ang laki mo na ah!” bati ng dad ko na parang kakilala na nya ang binatilyo.

“Magandang Gabi po sa inyo!” bati sa amin ng binatilyo at ngumiti ito sa akin nung makita nya ako.

Bigla naman naramdaman kong napakagaan ng loob ko sa kanya.

“Ay! Ako pala si Jiro! Anak ng may ari ng flower shop!” sabi nito at inabot ang kanyang kamay sa harapan ko.

“Ken...” ang tanging nasabi ko sa kanya at ngumiti ulit ito sa akin.

Biglang tumigil ang takbo ng oras at hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman.

“Apo! Igala mo muna si Ken, para malibang naman! Mukhang pagod sa school.” Singit ni lola at tumango sya.

Habang naglalakad kami sa labas ng shop ay agad kong tinext si dad.

“Dad, text me kapag uuwi na tayo.” Sabi ko at tumawag ito sa akin.

“Sige anak! But for now maglibang ka muna, medyo matatagalan ako sa pagpili ng bulaklak eh!” sabi nya sa phone.

“Okay dad!” sabi ko at sabay baba ng phone ko.

Ang gandang pagmasdan ang oras na yun! Mga tindahan ng mga bulaklak na nakahalera sa iisang lugar at may iba’t ibang palamuti para gumanda ang tindahan.

“Ganda ba?!” sabi nya at tinignan ko sya nakita ko syang nakatingin din sa akin at iniwas ko ang mga mata ko.

“Magkahawig pala tayo!” sabi nya sa akin at biglang napatingin ulit ako sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko din masabi kung anong meron kay Jiro, halos ang itchura namin ay di nagkakalayo, meron din syang nunal sa kanang bahagi ng tenga.

“Oo nga no! parang magkapatid lang!” biro ko sa kanya at napatawa ito.

“Imposible! Mama at papa ko wala na, namatay sila nung baby pa ako Sabi ni lola, kaya kaming dalawa na lang ang nag aalaga sa isa’t- isa.” Sabi nya na nahalata kong biglang lungkot sa kanyang mukha.

“Ganun ba? Sorry parang mali ang timing ko!” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang balikat nya.

“Okay lang yun! 17 years na akong sanay dyan!” sabi nya.

“Teka parehas lang tayo ng edad!” sabi ko sa kanya.

“Talaga?! Kelan ka pinanganak?” sabi ni Jiro na halata ang excitement sa kanyang mukha.

“April 20, 1995 ikaw kelan ka ba pinanganak?” sabi ko sa kanya.

“June 15, 1995! Naks naman! Matanda ka lang sa akin ng buwan! Eh di kuya pala kita?!” sabi nya at nagulat naman ako sa sinabi nya.

“Eh?! Kuya? Bakit naman?!” sabi ko sa kanya.

“Kasi wala naman akong kapatid!” sabi nya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya.

Naglakad pa kami ng naglakad hanggang makapunta kami sa simbahan.

“Wow! What a nice place!” sabi ko at napatingin si Jiro sa akin.

“Dito lagi ako napunta at nagdadasal” sabi nya sa akin, at naghanap ng mauupuan.

“So ano naman ang pinagdadasal mo?” sabi ko sa kanya at napatingin ito sa akin.

“Pinagdadasal kong makita ang taong makapagpapasaya sa akin!” sabi nito at nakita ko ang pagkaseryoso niya.

Ang oras na yun ay napakagaan, dahil hindi ko maisip kung anong meron kay Jiro at nakikita ko yung ugali ko sa kanya.

“Oh bakit ang seryoso mo?” sabi nya sa akin.

“Ah wala! Nagdadasal ako!” sabi ko sa kanya.

“Ano naman ang hinihingi mo?” sabi nya sa akin.

“Secret na yun!” sabi ko at tumawa sya.

Sa totoo lang naaawa ako sa kalagayan ni Jiro, hindi ko inaasahan na ganun ang pakikitungo ko sa kaniya.

“Ano gusto mo pang makita ang ibang lugar?” anyaya nya sa akin at di na ako tumanggi.

Agad kaming tumayo at lumabas sa simbahan, nakita ko ang mga nagbebenta ng bulaklak at kandila sa gilid ng simbahan, siguro nga matagal na akong di nakakapasok ng simbahan kaya ganun na lang ako humanga sa lugar.

Maya-maya pa’y nakakita ako ng isang tindahan dun ng mga souveinir kaya pumasok kami at naghanap ng mabibili.

“Alam mo ba—“ sabi ko sa kanya at napatingin sya sa akin habang natingin kami ng mga bagay bagay dun.

“Oh ano?” tanging sagot lang nya at tumingin ako sa kanya ng seryoso.

“Magaan ang pakiramdam ko sayo, hindi ko alam kung bakit pero may nag uudyok sa akin na tanging sinasabi ng isip ko ay protektahan kita.” Sabi ko sa kanya at parang nanlaki ang kanyang mata na parang nagulat sa sinabi ko.

“What!” sabi nito sa akin at naging awkward ako sa sinabi ko kanina.

“Hindi ako bading!” pagtatanggol ko sa aking sarili.

“Haha! Tungek! Hindi ko naman sinasabi na bading ka eh! Pero alam mo bang parehas tayo ng nararamdaman! Magaan din ang loob ko sayo!” sabi ni Jiro sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Oh! May napili na ako! Para sa’yo!” sabi nya sa akin at nakita ko ang hawak nyang angel figurine.

“Teka lang maghahanap ako!” sabi ko sa kanya at naghanap ako ng maireregalo para sa kanya.

At nakakita ako ng isang bagay na ibibigay ko sa kanya, kaya agad ko itong tinago sa kanya at pumunta na agad sa counter para magbayad.

“Jiro! Ito yung sa’yo, pero wag mo munang buksan hangga’t di pa kami nakaka alis!” sabi ko sa kanya at inabot ko na ang paper bag na binili ko para sa kanya.

“Salamat! Teka! Babayaran ko ito!” sabi nya sa akin.

Habang nasa counter si Jiro ay agad nang nag ring ang phone ko.

“Ken, tara na!” sabi ni Dad sa akin.

“Wait lang Dad! Pauwi na din kami ni Jiro!” sabi ko sa kanya.

“Oh sige! Hintayin ko kayo dito sa flower shop!” sabi ni Dad.

“Okay dad! Bye!” sabi ko na lang at binaba ko na ang phone ko.

Nakita kong papalapit na si Jiro na may dalang paper bag din at nakita kong nakangiti ito sa akin.

“Oh heto yung angel figurine! Lagay mo ito sa tabi mo, para may kasama ka kapag natutulog ka!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa kanya.

“Salamat ha!” tanging sagot ko lang.

At lumabas na kami ng tindahan, naglakad lakad ulit hanggang sa magtanong si Jiro sa akin.

“Oh ano? Pagod ka na ba?” sabi nito sa akin.

“Hindi pa eh, kaso si Dad tumawag kanina uuwi na kami!” sabi ko sa kanya at ngumiti ito sa akin.

“Okay lang yun! May next time pa naman!” sabi ni Jiro at naglakad na kami papuntang flower shop nila.

Habang naglalakad kami, nakapansin ako ng isang tindahan ng candy at pumunta muna kami saglit para bumili dun.

“Ate!” sabi ni Jiro at napatingin ito sa amin.

“Aba! Ghie!(Pinaikli ng pangalan ni Jiro) may kasama ka ngayon ah! Natupad na ba ang pinagdadasal mo?” sabi ng tindera habang nakatingin ito sa amin.

“Haha! Ate naman! Anak ng suki namin ito!” birong sagot ni Jiro sa tindera.

“Ahh! Kala ko kasi kapatid mo eh! Magkahawig kasi kayo! Oh ano bibilhin nyo?” sabi ng tindera sa amin.

“Isang balot ho ng beans” sabi ko sa tindera.

“At potchi!” dagdag ni Jiro at napatingin ako sa kanya.

Nang makakuha na ang tindera ay agad kong binayaran ang mga inorder namin, binigay ko ang potchi kay Jiro at napatawa ito sa akin.

“Para sayo yan! At sawa na ako dyan eh!” biro nito sa akin at tumawa ako sa kanya.

“Salamat pala ah!” sabi ko lang at nang nasa harapan na kami ng flower shop nila ay nakita kong papalabas na si Dad.

“Tara na at baka naghihintay na sa atin ang Mom mo!” sabi ni Dad at tumango ako sa kanya.

“Sige po! Ingat po kayo sa byahe!” sabi ni Lola sa amin.

“Ingat Ken!” sabi ni Jiro at nagpaalam din ako sa kanya.

Pinaandar na ni Dad ang sasakyan at umalis na kami sa lugar, habang nasa daan ay agad akong kinausap ni Dad.

“Kamusta kayo ni Jiro?” sabi nya sa akin.

“He’s just like...me” sabi ko lang at napansin ko si Dad na nagiba ang itchura.

“Really?” sabi nya sa akin.

“Yeah! And he knows what I’m thinking, nagkasundo agad kami sa mga bagay-bagay, and he’s like a brother to me!” sabi ko at napansin kong si Dad ay pumatak ang kanyang mga luha.

“Is everything alright Dad?” sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

“If you need a pat on your back I’ll be here to do that! May problema ka ba Dad at ngayon lang kita nakitang umiyak eh!” sabi ko sa kanya at ang mga titig ko ay nakatuon pa din sa aking Dad.

Naging tahimik ang byahe namin at hindi ko na muna kinausap si Dad ng buong oras na yun, baka kasi magalit sa kakulitan ko, hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Sinalubong kami ni Mommy at ni kuya Kino, napansin nilang bilasa si Dad at tinignan nila ako.

“What’s happening to Dad?” bulong sa akin ni kuya Kino

“I dunno! We just go to a flowershop and buy a bouquet for mom and then when we got here, he just starting to be emotional.” Paliwanag ko at inakbayan na ako ni Dad papasok sa loob ng bahay.

“Kino don’t worry!” sabi lang ni Mom at sumunod na si kuya papasok dala ang gamit ni Dad.

“I’ll just go to my room to change my clothes! Call me when dinner is ready” Sabi ko na lang kay kuya at tumango lang ito sa akin.

Habang umaakyat ako sa hagdan ay narinig kong kinausap ni Dad si Mom.

“You brought Ken to that store?!” sabi ni Mom na medyo tumaas ang boses nya.

“Yeah! And sorry for that! I know I don’t have the strength to tell the truth!” sabi ni Dad at napansin nya ako na nakikinig sa usapan nila.

Nagtataka ako sa mga sinasabi nila at di ko rin maiwasang magtanong sa aking sarili.

“Truth? Bakit may tinatago ba sila mom at dad sa akin?” tanong ko sa aking sarili at pumunta na ako sa aking room para magpalit ng damit.

Habang nagpapalit ako ay biglang nag ring ang phone ko, isang unknown number kaya sinagot ko ito agad.

“Yes?” sagot ko.

“Can I talk to Ken?” sabi ng nasa kabilang linya.

“Speaking... who’s this?” sabi ko at hindi sumagot ng matagal ang nasa kabilang linya.

Papatayin ko na sana ang phone nang biglang narinig ko na nagsalita sya.

“Hello Ken!” sabi nito at parang hingal pa ang tono.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment