Monday, September 3, 2012

Shooting Stars Episode 3



“Hello Ken!” sabi nito at medyo hingal pa ang tono nya.

“Hi! Who’s this?” sabi ko.

“It’s Ace! Sorry medyo pagod naglaro kasi kami ni Argel eh!” sabi nito sa akin.

“Ah! Okay! So bakit ka napatawag?” sabi ko lang.

“Wala lang! Um... Yung ano pala! Yung report natin ah! Don’t forget sa Saturday na yun!” sabi nito.

“I know okay! Kaya don’t remind me!” sabi ko sa kanya.

“Okay! Yun lang! Bye!” sabi nito na parang nagmamadali.

“Bye!” sabi ko na may pagka sarkastiko.

Pinatay ko na ang phone ko at kumuha na ng maiisuot, at nang makakuha ako ay biglang pumasok si kuya Kino sa room ko.

“Bro! Let’s eat na!” sabi nito at lumabas na sya ng kwarto ko.

Nang matapos na akong magbihis ay agad na akong bumaba at tinungo ang dining area kung saan andun na silang lahat.

“Ang tagal naman ng bunso namin!” biro ng Mom ko.

“Sorry po may tumawag eh!” sagot ko sa kanya.

“How’s school?” sabi ulit ni Mom.

“It’s great mom! Masaya pero naninibago pa din!” sabi ko at ngumiti si Mom.

“Ganyan talaga sa umpisa, magiging comfortable ka naman kapag naka cope ka na sa new school mo eh.” Singit ni kuya Kino.

“Ikaw Kino how’s work?” sabi ni Dad.

“Stressed Out!” sarkastikong sinabi ng kuya ko at tumawa sila Mom at Dad sa kanya.

“Ganyan talaga kapag nag ta-trabaho na! you need to cope up fast, or else baka mapag iwanan ka ng mga kasabayan mo!” biro ni Mom kay kuya.

Ngumiti si kuya at tumingin sa akin, napansin kong sumesenyas syang maglalaro kami after naming kumain pero pinigilan kami ni Mom.

“Kayo talaga! Not now! Bago lang ang kapatid mo sa school! He need to study!” sabi ni Mom at tumingin lang ako sa kanya.

Tahimik at tanging ingay lang ang mga kutchara at tinidor na hawak namin ang ingay ng mga oras na yun, at tinignan ko si Dad nang malapit na akong matapos kumain.

“You need to tell me what’s the truth!” sabi ko sa aking sarili at nakita kong tumingin sya sa akin.

“What’s wrong Ken?” sabi nito sa akin.

“Nothing Dad...” sabi ko lang at tinapos ko na ang aking pagkain.

Hindi ko na ginalaw ang ginawang dessert ni Mom at umakyat na ako sa aking room para magpahinga, binuksan ko ang desktop ko at nag online sa skype, pagbukas ng window ng skype ay agad kong napansin na online ang mga kaibigan ko sa manila.

“How are you?” sabi ni Mike.

“Ayos lang parekoy! Kayo kamusta na kayo dyan? Dalaw naman kayo dito sa amin by Saturday!” sabi ko sa kanya.

“Okay parekoy! Sige text ko sila! Then we’ll inform you kung ilan kami pupunta” sabi ng kaibigan ko.

“Okay! Hintayin ko kayo ah!” sabi ko at binuksan ko ang aking facebook.

Hindi na sumagot si Mike at pinasok ko na ang email para makapag log in sa facebook, nang makapasok na ako ay agad kong napansin na may lima akong friend request kaya tinignan ko ito, nabigla naman ako sa mga nag add sa akin, at nag PM sa kanila.

“Thanks classmate!” chat ko sa kanila, at biglang sumagot si Cheryl sa message ko.

“You’re welcome Ken! Kumain ka na ba?” sabi nito at agad ko namang sinagot.

“Yep! Thanks sa concern! Ikaw kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya at sumagot agad din ito.

“Kakatapos lang kumain! Hehe!” sabi nito sa akin at ngumiti ako sa nabasa ko.

“Haha! Kalog ka pala!” sabi ko sa kanya.

“Oo naman! Kung gusto mo bukas tabi na tayo eh!” biro nito at napangiti ako.

“Actually naninibago kasi ako, kaya ganun ang pagsasalita ko, medyo bossy at straight to the point! Sorry ah!” sabi ko sa kanya.

“Haha! Ganun ba? sige simula bukas magkatabi na tayo at wag ka nang mailang sa new classmates mo!” sabi nito sa akin at ngumiti lang ako.

Habang nag ta-type ako ay narinig ko ang pintuan na bumukas, kaya nagpaalam muna ako kay Cheryl.

“Oh Dad! Bakit?” sabi ko nang mapansin ko si Dad na papalapit sa akin.

“May sasabihin kasi ako sa iyo, and sana wag kang magagalit sa akin or sa kuya mo, or even sa mommy mo.” Sabi nito sa akin na nagtataka talaga ako sa kanyang tono.

“Teka dad, bakit ganyan ka? kanina ka pa sa sasakyan eh, biglang tumulo ang luha mo, tapos mukha kang malungkot ngayon, then the tone of your voice! It’s awkward!” sabi ko at biglang niyakap nya ako.

“Let me tell you a story...” sabi lang nya sa akin at nakita naman nyang nakikinig ako.

“When I was not married to your mom, I had a Girlfriend she was so beautiful and I was that not-so-good person at that time, we bumped each other to a church and her smile makes a thousand words for me, that time Mom mo ay bestfriend ko, since childhood kami na ang tandem sa lahat!” paliwanag nya.

“So? Anong meron dun Dad?” sabi ko lang.

“My girlfriend ask me if I love her, and I said yes! Kaya pinakilala ko sya sa mga lolo at lola mo, pero your lolo don’t like the girl, he wants your mom to be my wife, and I was so confused at that time kaya pumunta ako sa bar, at nag inom ng nag inom hanggang di ko na makayanan ang sarili ko.” Sabi nito sa akin at nakita kong pumapatak ang luha nya.

“That time I was there kasama ang mga kaibigan namin at nag ce-celebrate ng birthday ng isa sa mga girl friends ko.” Sabi ni mom at nagulat naman si Dad, pero humawak lang si mom sa balikat ni dad.

“It’s okay honey!” sabi nya kay dad at ngumiti lang ito.

“Then?” sabi ko sa kanila.

“Then dad was drunk, and mom was there to help his bestfriend na lasing na lasing, and then that night when dad was drunk, he kissed mom and...” singit ni kuya.

“Then ano? Bibitinin nyo?!” inis kong tono sa kanilang tatlo.

“Then me and your mom woke up in a motel and we are shocked and hindi muna kami nagpansinan ng ilang months, pero bestfriend ko sya kaya hindi ko natiis at hinanap ko siya at kinausap kung may nangyari sa amin and she said yes, after two months napansin ko ang mom mo na nagkakaroon na ng signs kaya bumili kami ng pregnancy test kit at nag positive ang results.” Sabi ni Dad at hindi pa din ako kuntento sa sinasabi nila.

“Then your dad get mad at me, pero naiintindihan ko yun at first kaya hinayaan ko lang sya, pero nang mapansin na ito ng mga parents ko tinanong ako kung sino ang ama ng dinadala ko...” sabi ni Mom at tumingin ito kay Dad.

“Then I answered to your grandparents na si Dad mo ang ama ng dinadala ko, pero nung mga oras na yun ay kasama nya ang girlfriend nya na si Grace at nabalitaan kong nagtanan sila kaya nung pinanganak ko ang kuya mo ay pinalaki ko ito ng walang galit sa kanyang Dad” paliwanag ni mom at naramdaman kong pumapatak na ang luha ko.

“Nagtanan kami for almost three years, pero nabalitaan kong nanganak na pala ang mom mo, kaya pumunta ako kung saan sya nakatira noon, nang makapunta ako sa lugar kung saan sila nakatira naabutan ko ang mga lolo at lola mo na andun din sa bahay at hindi na ako tumuloy papasok, baka kasi makita pa ako nila at mapatay ng mga lolo at lola nyo.” sabi ni dad sa akin.

“Bumalik na ako kay Grace at sinabi ko ang balita sa kanya, kaya nagalit ito sa akin at sinuyo ko naman siya, at hanggang sa maisipan kong sulatan si Paula na magkita kami sa isang lugar at wag ipaalam sa mga magulang namin kaya...” sabi ni Dad at huminga ito ng malalim.

Nakaupo kaming lahat sa sahig ng room ko, ako, si kuya, si Mommy, at si Daddy na nagiging emosyonal ang usapan kaya hinayaan ko na lang pumatak ang mga luha ko.

“Nagkita kami sa kanto kung saan kami nagtapos ng college, at kinamusta ang isa’t isa. Pero hindi pala dun nagtatapos ang storya namin at nagkaroon kami ng isang pag iibigan na sobrang intimate at nabuo ka namin” sabi ni Mom at hinawakan nya ang kamay ni Dad.

“After that moment, kinabukasan ay umuwi na ako sa partner kong si Grace at nakita ko sya at niyakap, nagmahalan kami at nang ilang bwan lang ang nakakalipas ay nabuo ko ang isang bata sa kanya, masaya na ang lahat kaso natagpuan ako ng lolo mo, at sapilitang kinuha kay Grace, kinulong ako sa bahay namin noon at hindi pinapalabas, nalaman ni Paula ang ginawa ng mga magulang ko noon sa akin kaya gumawa sya ng paraan para makatakas ako.” Litanya ni Dad habang nakikinig kami ni kuya Kino.

“Kinuha ko ang sasakyan namin, kahit buntis ako sayo noon Ken, ay pinuntahan ko ang dad mo at ipunta sya sa taong nagpapasaya sa kanya, tawagin na akong tanga ng mga lolo at lola mo, pero bestfriend ko yan noon, kaya kung saan sya masaya kuntento ako. Sinabi ko lang nagagala kami ni Jino para makalimutan nya si Grace pero pinunta ko sya sa lugar kung saan kami magkikita ni Grace.” Sabi ni mom at hinaplos ni dad ang likod ni mom.

“Sabi ni Mom noon, na nung pinanganak ka niya masaya sya kasi napansin nya ang mukha mo ay kahawig talaga ni Dad, at nang malaman nyang namatay si tita Grace sa panganganak ay nalungkot ito a pinuntahan si Dad para damayan siya.” Sabi ni kuya Kino at napansin kong pumapatak din ang luha nito.

“So what do you mean? Na may kapatid pa ako?” sabi ko sa kanilang tatlo habang nangangatal ang boses ko.

Tumango lang sila at napansin ko naman si Dad na ngumiti sa akin.

“Bakit nyo sinasabi sa akin ito?” sabi ko sa kanila at nilapitan ako ni kuya.

“Dahil gusto namin sabihin sayo ito ng maaga para hindi ka magulat!” sabi ni kuya sa akin at niyakap nya ako.

“At I know nakilala mo na sya!” dagdag ni kuya sa akin.

Isang rebelasyon na parang sumabog ang buo kong pagkatao nung sinabi ni kuya yun.

“Si...Jiro?! kapatid ko?” sabi ko sa kanila at nagpatuloy pa din ang mga luha kong pumatak.

“Kaya nga Ken, I ask you kung anong pakiramdam mo kay Jiro, nung sinabi mong magaan ang loob mo at komportable ka sa kanya ay nasabi ko na sa sarili ko na sabihin na sayo ang lahat kasi ito na ang right time.” Sabi ni dad na nakangiti sa akin at niyakap ako.

“Nung nakilala ko din si Jiro parang ikaw lang din! Ang kulit at positive sa lahat ng bagay! Kaya nga nung nalaman ko yun nung bata pa ako ay tinanggap ko sya ng buong buo.” Sabi ni kuya sa akin habang pinupunasan nya ang kanyang mga luha.

“Kaya nga tinutulungan namin sya para sa kanila ng kanyang lola, at alam ng kanyang lola ang mga nangyayari kaya sinasabi lang namin na wag syang maingay kay Jiro hanggang sa hindi mo pa alam ang lahat.” Sabi ni Dad sa akin at ngumiti si Mom sa sinabi ni Dad.

“Ken ano?” biro sa akin ni kuya Kino at inakbayan nya ako.

“Anong ano?! Eh di syempre gulat pa din!” sabi ko sa kanya at ginulo nya ang buhok ko.

“Oh Ken! So tanggap mo sya?” sabi ni Mom.

“Absolutely mom! Gusto kong matupad ang kanyang wish kaya ako na ang gagawa ng set up para sa kanya.” Sabi ko sa kanila at pinakita kong naabsorb ko ang sinabi nila sa akin.

Hinalikan ako ni Mom sa noo at ngumiti ako, si dad naman ay hinimas ang aking balikat at niyakap ko sya.

“Dapat kasi sinabi mo ng maaga para hindi na tayo nag da-drama ng ganito!” sabi ko kay Dad habang nakayakap sa kanya.

“Pasensya ka na at madrama ang mga parents natin! Bahala ka na kung ano ang plano mo, basta tandaan mo dapat alam din namin yan ah!” sabi ni kuya Kino sa akin at tumango ako sa kanya.

Lumabas na sila ng room ko at dumerecho na ako sa CR para maghilamos at magsipilyo.

“Bukas after class! Tutuparin ko na ang wish mo Jiro!” sabi ko sa aking sarili at nagsipilyo na ako.

Nang matapos ko ang paglilinis ng aking mukha sa CR ay nagvibrate ang phone ko.

“Good night!” sabi ni Ace.

“Good night too!” reply ko lang sa kanya at agad na akong humiga sa aking kama.

Kahit ramdam ko ang sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak sa kwento nila sa akin, ay hindi ko pa din maiwasan maging excited para bukas.

Sumikat ang araw na dumampi sa aking mukha, nakita kong binuksan ng kasambahay namin ang kurtina ng aking room at lumiwanag ang buong room ko.

Agad na akong bumangon dahil nakita ko na alas-7 na ng umaga, naramdaman ko ang mga yabag sa labas ng aking kwarto at agad na akong pumunta sa CR para makaligo at magbihis na ng uniform ko pamasok.

Ang sarap ng mga patak ng tubig na dumadampi sa aking katawan dahil mainit ito at nakaka relax sa balat, halos inabot ako ng 30 minutes sa loob ng CR at nang matapos na akong magbihis ay agad na akong bumaba sa dining room kung saan ang nadatnan ko na lang ay si manang Elsa at si kuya Ray na driver namin.

“Magandang Umaga pilyo kong alaga!” bati sa akin ni manang Elsa.

“Magandang Umaga din Nay!” sabi ko sa kanya.

Nasanay na akong tawagin syang Nay kasi matagal na din syang nagsisilbi sa pamilya namin, nagsimula siya sa mga lolo ko at nang sinabi ni Mom na wala syang katuwang sa pagpapalaki sa amin ay binigay ni Lolo ang kanyang matapat na kasambahay na si Nay Elsa.

“Kumain ka na! at si Ray na ang maghahatid sayo papasok ng school!” sabi ni Nay Elsa at tumingin ako kay kuya Ray at ngumiti lang ito sa akin habang hawak nya ang tasang may kape.

“Kahit kelan talaga! Hindi masarap ang pagkain!” biro ko kay Nay Elsa at tumawa ito.

“Kaya pala ang daming tocino dyan sa plato mo! At yung sariwang gatas na galing sa probinsya namin ay naubos mo!” sabi ni Nay Elsa at ngumiti lang ako.

“Bilisan mo na sa pagkain bata ka! ang mommy at daddy mo nauna na! Sinabay na nila ang kuya mo.” Sabi sa akin ni Nay Elsa at agad kong binilisan ang pagkain.

Nang matapos ko ang pagkain ay tinungo ko ang CR sa may sala para magsipilyo na at kinuha na ni kuya Ray ang mga gamit ko para ipasok ito sa sasakyan.

At nang matapos na akong magsipilyo ay agad na akong lumabas at sumunod si Nay Elsa.

“Baka may nakalimutan ka pa?!” sabi ni Nay Elsa sa akin at naalala ko pala na may surprise ako sa kanilang lahat.

“Oo nga pala Nay Elsa, magluto po kayo ng mas masarap pa sa kinakain ko! May bagong member tayo ng family!” sabi nito at ngumiti lang ito sa akin.

“O sya! Sige magluluto ako! Mag ingat kayo ha!” sabi ni Nay Elsa at binuksan na ang gate at umalis na kami ni kuya Ray.

“kuya please tell dad na ikaw ang magsusundo sa akin, dumerecho na sya sa bahay kasi may surprise ako sa kanila.” Sabi ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.

Habang nasa byahe ay parang ang sarap sa pakiramdam, siguro nga na na-absorb ko agad ang mga sinabi nila sa akin na revelation kagabi, at siguro kasi si Cheryl ang magiging new seatmate ko simula ngayon.

Hindi ko namalayan na malapit na kami sa school kaya nagtaka ako bakit ang bilis naman ng byahe.

“Wala bang traffic?” sabi ko kay kuya Ray.

“Wala pang traffic kasi dumaan ako sa mga short cut road para mapabilis ka!” sabi nito sa akin at nagpark na sya sa harapan at binuksan ko ang pintuan habang si kuya Ray ay kinuha ang bag ko sa compartment at ibinigay sa akin ito.

“kuya Ray! Yung usapan natin ah!” sabi ko sa kanya.

“Opo! Hindi ko makakalimutan yun!” sagot nya sa akin at bumalik na sya sa sasakyan at umalis na ito.

Naglakad ako papasok at napansin kong konti pa lang ang mga estudyante dito, napansin kong nagpapractice ang mga varsity players at cheer dancers, at ang iba naman ay pumasok ng maaga para makapag review sa mga subjects nila.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko yung bola ng basketball ay papunta sa akin, kaya kinuha ko ito at hinanap kung sino ang nagmamay-ari nito.

Pero wala akong nakitang may naghahanap ng bola kaya kinuha ko muna at pinaglaruan, pumunta ako sa isang basketball court at planong maglaro ng shooting, binaba ko ang aking bag at hinubad ko ang aking polo para di pagpawisan.

Habang naglalaro ako ay hindi ko napansin na may mga estudyante pala na pinapanood ako.

Napansin kong nagbubulungan sila at ang mga babaeng estudyante ay nakangiti sa akin kaya sinuklian ko ng isang ngiti din.

“Ang gwapo talaga nya!” narinig ko sa isang babaeng estudyante at napailing na lang ako, at nagpatuloy sa paglalaro hanggang sa tumalbog ang bola sa court na kung saan nagpa-practice ang mga varisity players.

Agad kong tinakbo ang bola at kinuha yun sa gitna ng court habang nag wa-warm up sila, paalis na sana ako nang mapansin ako ng isa sa mga player.

“Teka!” sabi nito sa akin at tumingin ako sa kanya.

Itutuloy...

1 comment: